Halika dito, iti-train to busan kita |
Natakot, napasigaw, nagulat at naalog, susme itong Train to Busan, masyado ginalingan, masyado ako na-entertain tuloy. Bago ako manood, pinag-isipan ko munang mabuti kung tama ba ang desisyon kong panoorin ito sa 4D. Si ateng kahera kasi, 5 minutes bago mag-start ang pelikula hindi na ako binigyan ng pagkakataon sa 2D, naabot ko tuloy yung card, ayun napa-4D.
Ito na ang chikka, siyempre nagsimula ang lahat sa walang katapusang outbreak mula sa palpak na mga lab. Wooohhh, ganiyan naman sila. Lab na lang lagi pinagsisimulan ng lahat. Pesteng lab. Anyway, ito na nga, insert si Papa Gong Yoo, oo literal na tatay siya dito ng 10 years old na bagets. Itong si bagets gusto makita ang nanay niya na currently residing in Busan. Hiwalay ang parents ganern kaya medyo nagdadrama si bagets, di naman natin siya masisisi. Kinabukasan, kung kailan naman papunta na sila sa Busan ayun, may isang infected na nakasakay sa train at dun na nagsimula ang lahat.
Punyeta to si ate, hindi ko naisubo yung French Fries ko dahil sa kaniya |
Potek! Sa isip-isip ko gasgas na gasgas na masyado itong storyline na ito pero susmiyo mirasol, tang'na kakaiba ito! Mas nakakatakot ang mga Asian zombies kaysa sa hollywood zombies. Mas matatalino at flexible sila, ehem! At saka mas cute, di masyadong dugyot? Haha! May claustrophobic feel yung train na setting at sobrang shock na shock ako sa transformation ng zombie sa umpisa. Hindi man lang ako nabigyan ng chance na isubo yung french fries na binili ko. Nakakaloka!
Takbo buntis! Takbo! |
I have this feeling that this is what "World War Z" is trying to give us kaso ayun nilamon siguro masyado ng hollywood, di na nakabangon. Train to Busan is a roller coaster film that is full of heart. Ma-iinlove ka at magagalit sa mga character na sa totoo lang eh common characters na sa mga Zombie movies. The 10 year old bagets (sorry ah di ako magaling tumanda ng mga names ng characters) performance made me hate her and love her at the same time. Kapag kasi ako yung tatay baka nakonyotan ko na siya kaso may point eh. She didn't over do her acting like what usual child actors would do with that character. Gusto ko sana i-kwento yung mga favorites kong scenes like nung bumaba sila ng station, yung lumipat sila ng tren, yung mga punyetang zombies na biglang ibinagsak ng mga helicopters tapos tang ina buhay parin, yung mga zombies na sumabit sa nilipatan nilang tren potah!,pati yung ending kaso baka ma-spoil ko. Oo noh! Hindi ko pa naspoil yan sa lagay na yan.
Iyak-iyak ka ngayon lintsak ka! |
Bakit kasi ang bibilis nitong mga to tumakbo eh ARGH! |
Overall, I liked it. It's much more than zombies on a train. Napanis ang World War Z at The Walking Dead dito. The movie is full of heart, muntik nga ako maiyak eh kaso umaalog yung chair ko. Na-confused pa ako kung horror ba or drama yung pinapanood ko. It's a refreshing take on zombies that you and your family must watch. Taruuussshh!
#JOTG
PS. Maganda rin siya panoorin ng mga broken hearted. Wag na kayo mag-suicide, i-train to busan niyo na mga sarili niyo sige na huwag na mahiya.
Huwag suicidal beh, sige ka magigi kang zombie. :) |