Kasal na si Dech

My Sisters Wedding

Sa mga hindi nakakaalam ng family tree ko, meron akong kapatid na ang tawag ko ay Dech. Hindi kasi ako aware na ang great grand mother ko ay Chinese dahil lakompake kung ako ang tatanungin. Dech derived from the term Ditse, which sabi ng nanay ko ay sa tsekwang term daw, ay second sister. Since aspiring influencer and trend setter na ako since 3 years old nag evolve ang term na yan from Ditse to Ditch (sounds better if pronounced with conviction) to Dech - na ngayon ay mas kilala sa tawag na www.clumsyclariss.com. Arte no? 

Si Dech ang pinaka-close kong kapatid dahil sa mga childhood memories namin na umugat na at nagi-naman talagang bukang bibig ng buong angkan. Halimbawa na lang eh nung NILAGLAG NIYA AKO SA KANAL at iniwan for ilang 10 hours ata yun (Nagbabase lang ako sa mga kwentuhan sa hapagkainan) hanggang sa makita na lang ako ng taong may mabuting loob na ngumangawa SA KANAL! Ang malala pa nito, umuwi siya ng bahay at walang pinagsabihan na kahit sino dahil I'm sure sa edad niyang yun, ang goal niya talaga ay ang iligpit ako. Hindi man niya naisakatuparan ang life goal niya eh nag-iwan naman ito ng matinding marka sa aking mukha. Oo, tinahi ang kilay ko at nagka-peklat dahil siguro sa lakas ng pagkakatapon niya sa akin SA KANAL! 

Dahil lumaki akong naririnig ang kwentong ito, hindi ako nagpatalo. Sa edad na lima ay nakaganti ako BIG TIME. Naglalaro kami noon ng luksong baka (if hindi mo alam kung ano yun, kawawa ka naman pangit) at nasa number 4 position na ako. Nung siya na ang tatalon, naisipan kong bumalik sa position number 2 dahil alam kong lampa si dech at di niya kaya lundagin ang ganun kataas na position. Kung iisipin mo nga, concern pa ako sa kaniya, hello! Dahil sa ginawa ko, lumagapak ang mukha ni Dech sa semento na nag-cause ng malalaking gasgas minor injuries sa surface ng face niya. Hindi pa rin maikukumpara sa pagtapon niya sa akin SA KANAL. 

Hindi naman puro sakitan ang mga memories naming dalawa dahil meron din kaming mga alaalang magkaramay kami sa hirap mula sa pang-aalipusta ng wicked witch naming panganay na si Velma. Isang araw kasi, galit na galit ang mangkukulam dahil sa hilig namin sa paglalaro kaya minarapat niyang sunugin ang mga paper dolls ni dech at pakuluaan ang mga goma ko. Magkasama kaming nakatitig sa apoy na umuupos ng aming pagkabata. 

Kinasal si Dech sa Norway at dahil mahal ang pamasahe at masyadong malamig, wala ni isa sa aming pamilya ang nakapunta. Gayun pa man, kebs lang naman yun kay Dech dahil ang purpose lang naman kapag nandun kami ay mapicturan siya ng maganda which I'm sure gustong gusto niya. Pangarap niya kasing maging mowdel kaso kinapos sa height. At bilang isang napaka-buting kapatid, naisipan kong gawan siya ng speech letter. Di ko alam kung yun yung tamang term pero di ba yung kapag may ikakasal yung mga family members kailangan mag-speech? Ito yung akin. Dech, para sayo ito.

Dech, kasal ka na. Wala ng balikan ito. Sabi nga ng mashoshondang Filipino, ang kasal ay hindi parang isang mainit na kanin na kapag napaso ka ay madali mong mailuluwa. So wala ng atrasan ito. Wawasakin na ng asawa mo ang hymen mo. Ginusto mo yan kaya tiisin mo. Go lang ng go todo na to sabi nga ni Rufa Mae Quinto na idol ko. Pero wag kang maniniwala sa kasabihang iyon dahil ikaw pa rin ang dapat magdadala sa sarili mo. Kahit kasal ka na, sana ay wag mo paring kakalimutan ang passion mo sa pagiging isang mowdel, writer, actress, singer, song-writer, and haciendera. Alam kong ambisosya tayo pero that's what we are. Huwag mong intindihin ang mga bashers. Tandaan mo ang sinabi ko sayo, kapag nakaramdam ka na tinatarantado ka, pakinggan mo ang first half ng album ng Lemonade ni Beyonce. Tapos patugtugin mo ng malakas ang "Don't Hurt Yourself" para sa mas effective result. Kapag di nakaramdam, gripuhan mo.

Feeling ko kapag talagang sinabi ko ito sa kasal ni dech ay bonggang ngangawa siya kasi napaka-babaw ng luha nun eh. One time nga nagulat ako dahil naabutan ko siyang umiiyak habang nanunuod ng isang comedy movie. Eh sobrang heart felt pa naman ng speech ko! My Gosh! Kung gusto niyong mas makilala ang kapatid ko, you may visit her napaka-pasosyal na blog at http://www.clumsyclariss.com/ <----- FREE PROMOTION

Japhet

6 comments:

  1. HOY HINDI KITA TINAPON. NATULAK LANG ATA NG BAHAGYA NANG HINDI SINASADYA!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dech wag ka na mag-maang maangan pa! Huli na ang lahat! Nagka-peklat na ang pang beneboy ko sanang eyebrows!

      Delete
  2. nakakatats nmn tlga ang mensahe mo..at super aliw aq sa kwnto mo jafet..mas masaya to pag personal na kinkwnto ng maliit mong bibig eh..hahaha!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. WAAAAAHHHHH!!! May picture ka na! Dahil diyan isishare ko na rin sa mundo ang layp story mo.

      Delete
  3. Hapito! ung hymen mo wawarakin din pag kinasal ka. kaya lang ung hymen mo nalipat din sa ibang lugar ng katawan mo parang Mayon lang

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hoy abrilata, humanda ka sa akin ipapaalam ko sa buong mundo ang hymen mo bwahaha!

      Delete

Instagram