Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Nakakapagod, gusto ko na agad matapos yung pelikulang pinapanood ko. Kung puwede lang mag-walk out sa loob ng sinehan ginawa ko na kaya lang siyempre, sayang naman ang binayad ko. Yung relasyon ko sa pinapanood ko parang relasyon ko sa mga ex ko. Ako ang may problema. Taruussshhh!!!

Maaring may spoiler ang isinulat kong ito kaya utang na loob, huwag kang ano.

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Ganito kasi yan si Jane and Aries na taga somewhere along the road of Manila eh may baby na pinangalanan nilang Baby Arjan. Oh alam niyo na kung saan nakuha ni baby boy ang pangalan niya ah. Tapos, insert scenes of kahirapan and how they make babies along the road. Nakakaloka pero mukhang exciting. Haha! PLUS, mga intense takbuhan at ang talamak na snatch game sa Maynila. You know the usual happenings around the Metro portrayed by Media. Ganun.

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

So ito na nga, isang araw may baklang numenok kay baby Arjan. Alok-alok pa itong si bakla ng loan at mga kung anik-anik na bagay. Sa totoo lang ineexpect ko na siyang mangyari, kaya pota, mas lalo ako kinakabahan sa mga desisyon nitong si Jane na 16 years old palang. Ang pangalan ni bakla si Ertha. Si Ertha na bumago ng pagtingin ko sa mga baklang nakadamit pambabae. Hindi nga lahat ng bakla ay mababait sabi nung kalbong guard sa supermarket.

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Nagtataka lang talaga ako dito sa mag-syotang ito. Sa dami ng puwedeng gamiting words para idescribe si Ertha sa mga taong pinagtatanungan nila kung nakita si Baby Arjan, bakit Baklang Naka-pula na may hawak na bata lang ang lagi nilang tanong? Puwede namang may nakita po ba kayong "Baklang mahaba ang buhok na may magandang pilikmata na nakapula"? ganern. Pero hindi ko talaga sila masisisi.

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Matapos mawala si Baby Arjan, dun na nagsimula ang struggle ng mga bida. Natakot ako kay Aries kasi alam kong may anger management issues siya pero alam kong papalipasin niya lang yun at tama nga ako, nakipagkantutan ulit ang mokong kay Jane. Palitan na lang daw nila ang baby pero hindi yun ganun-ganun lang para kay Jane. masakit sa kaniya iyon bilang ina. Hindi naman si Aries ang nagdadalang tao at umiire pag andiyan na. Ika nga ng nanay ni Jane, tamod lang ang puhunan ni Aries. Pabigat ng pabigat yung mga eksena to a certain point na gusto ko na sumigaw, kaso kasama ko mga kabaro kong si Inday Jill at Ditay. Nakakawala sila ng momentum haha!

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

 Nakakainis na masyado ako affected sa istorya. Nakakapikon na sila yung dapat na magnanakaw pero sila yung bigtime na nanakawan. Tang ina ang hirap nun nakakainis, imagine kung paano sila nagsumbong sa pulis. Shit! Mahirap din sa part ko bilang manunuod na nanakawan na nang mga tulad nila na magkaroon ng sympathy pero wala akong choice. Gusto kong torjakin si Chief Police, si Kapitana pati yung mga taga radio station pati yung reporter. Lahat sila parang organized na sindikatong tulong-tulong para di na makita si Baby Arjan.

Lahat ng characters sa istorya pinabibigat yung bawat eksena. Walang tapon. Lahat may kasalanan kay Baby Arjan. Wala talagang gustong tumulong kasi masyadong mabilis ang takbo ng mundo lahat gusto sumabay at makiuso. Nakakalungkot. Nawala ang tiwala ko sa lahat ng dapat kong pagkatiwalaaan sa lipunan. Inilagay talaga ako ng direktor at cinematographer ng pamilya ordinaryo sa maruruming tsinelas nila Aries at Jane. Hindi ko sila masisi. Alam kong ganun din ang gagawin ko kapag nasa kalagayan nila ako. Henyo ang pagkaka-tahi ng istorya dahil sa gumuguhit ito sa laman ng manonood or ewan ko, baka ako lang.

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Ang galing umarte ng mga tropapips ni Aries. Ganung-ganun ako nung bata pa ako kasama mga kalaro ko (less singhot ng rugby ah, masarap magluto tatay ko eh). Hasmine Kilip's portrayal of an imature mom gives justice to the character. Walng biro ganung ganun talaga pati yung boses. Shit! Naalala ko mga kapit bahay ko. Si Ronwaldo Martin, nakakaloka ang skills sa pag-akyat ng mga bakod. Iba dai!

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Hindi ako makahinga ng maayos sa mga sumunod na cctv shots. Gusto ko na makita si Baby Arjan kahit alam kong imposible. Isa itong pelikula na hindi kailangan ng bonggang sound effects para maramdaman mong horror at suspense thriller ang mga eksenang pinapanood mo.

Pamilya Ordinaryo : Rated SPG Review

Bakit kailangan mo mapanood ang Pamilya Ordinaryo? Kasi ganito ang tunay na love team. Tang ina kantutan kung kantutan. Realistic tsong! Pakyu ka kapag di ka nanood tas makita-kita kitang nakapila sa Suicide Squad. Pakyu talaga papatorjak kita.

PS

Hindi ko alam kung sinasadya ni SM Megamall Cinema 11 yun eh, pero mainit sa loob ng sinehan ah. Mas lalo ko tuloy naramdaman yung init ng mga eksena sa palabas. Tapos parang walang paki yung mga staff sa labas kasi pinoy film ni wala man lang poster. Hindot!

Japhet

4 comments:

  1. Kahit nakahithit ng rugby itong si Aries may point din ang tanong nya kay pokarlang Jane "Jane pano kung nasa mabuting kalagayan si baby Arjan? Kukunin pa ba natin?" Sumang-ayon ka ba sa sagot ni ateng?

    ReplyDelete
  2. Yan nga yung sinabi kong ang hirap eh, hindi mo rin masisisi si inday Jane kasi 9 na buwan niyang dinala yun tas wala opang 1 month ninenukin na? Susmiyo mirasol.

    ReplyDelete
  3. My goodness naman sa words na ginamit ang pamangkin ko. Nakupo pag nabasa ng lola mo ito! Haha. I love you Jap! 💝 Hugs and Kisses from Tita! 💝

    ReplyDelete
  4. My goodness naman sa words na ginamit ang pamangkin ko. Nakupo pag nabasa ng lola mo ito! Haha. I love you Jap! 💝 Hugs and Kisses from Tita! 💝

    ReplyDelete

Instagram