Sa tuwing napapadaan ako sa National Bookstore, lagi kong napapansin ang librong Smaller and Smaller Circles. Intrigang intriga talaga ako sa pabalat niya pero nung nalaman kong may ginagawang pelikula si Raya Martin, na isa sa mga hinahangaan kong batang direktor noong college pa ako, naisip ko na huwag na bilhin ang libro. Naexcite kasi ako makita siya sa big screen at ayokong biglang masabi na mas maganda ang libro kaysa sa pelikula gaya ng ginawa ko nung napanood ko ang Punyetang Hunger Games. Kanina, pagkatapos ko manood ng SASC, gusto ko na bigla basahin yung libro. Hindi ako kritiko o kung ano pa man, hilig ko lang talaga ang manuod ng pelikulang Pilipino at alam ko kung ano gusto ko. Putang ina, gustong gusto ko kung gaano kabagal nag unfold ang mga bagay bagay sa SASC. Mas gumuguhit sa ulo mo yung eksena, mas dama mo yung bigat ng istorya, mas nakikita mo kung sino yung tunay demonyo.
Kung di ka pa pamilyar, ang istorya ng SASC ay umiikot sa dalawang Jesuit priests na forensic experts din at na-assign sa kaso ng mga batang pinapatay sa payatas. Hindi gaya ng mga crime thriller na may mega grand reveal ang mga killers, ang SASC ay may kakaibang paraan ng paglalahad ng mga bagay-bagay. Walang bonggang interogation scene at maaksyong habulan gaya ng silence of the lambs o mala supernatural na pagpasok sa isip ng killer pero hindi ito boring. Medyo coño oo pero hindi ba ganun naman talaga?
Ang saya na naprepredict yung mga mangyayari, pero ang twist talaga dito eh yung maiinis ka sa fact na ang tagal mangyari ng prediction mo dahil may sistemang nagpapabagal ng lahat. Marerealize mo na lang sa gitna ng pelikula na hindi tungkol sa isang masamang tao na pumapatay ng kapwa niya ang istorya kundi sa isang bulok na sistema at kultura ng mga dating sumakop sa bansa natin na umiiral pota!
Parang yung pakiramdam mo kapag nagda drive ka tapos may u turn slot naman diyan pero kailangan mo pang dumiretso sa dulo kasi nandun yung sign nilagay. Yung nilalamok at antok na antok ka na pero hindi ka pa pwedeng matulog hanggat di natatapos ang mala 100+ na abaginoong maria. O kaya naman may pedestrian lane naman dati diyan pero dahil may bida bida kayong Mayor na nagpagawa ng over pass na pagkataas-taas eh wala kang choice kundi umakyat kahit pilay ka punyeta. Ganun yung feeling.
Ang paborito ko talaga sa SASC ay ang disenyo ng tunog. May pakiramdam akong hinihila ako sa eksena at talagang sinasabihan akong pota namnamin mo. Although hindi ko maiwasang hanapan ng backstory at rason yung ibang mga characters, nakatulong ng malala yung pag focus ko sa dalawang pari. Hindi kasi sila yung tipo na bida yung isa tapos side kick lang si ganito. Ang ganda ng chemistry ng characters nila pero not in a romantic way. Nasaktan ako sa Maruya pero parang gusto kong magpatingin ng ngipin. LOL!
Kung tatanungin mo ako, hihikayatin kitang manood, kwentuhan tayo after. Ako nagsasabi sa iyo. Kailangan mo ng kausap, mahirap sarilinin, nakakapraning.