AYOKO MAGKA-ANAK!!!

I know, I know! Noon sinasabi ko sa mga post ko sa Facebook na if someone is planning to have an abortion, they can leave the baby on my doorstep, pero pakshet kayo! Paano niyo magagawa yun. Anyway, ang issue ko ay ito, may inadopt akong aso. WARNING! Ang mga susunod na litrato ay di mo keri, so kung mahina ang sikumura mo, tsupi heeennnyyy!



Sobrang love ko siya dahil sa liit niyang yun ipinagtatanggol niya ako sa tito kong kalahating tao kalahating isda (read here) everytime na hinaharass ako (hahaha! charing lang yung harass ayaw lang talaga ng dog ko na sinusuntok ako kahit laro lang). Ang pangalan niya ay Murphy. I know, I know! Murphy ang ipinangalan sa kaniya ng kaniyang first family and alam kong important yun para sa kaniya so hindi ko na binago. 3rd "furmily" na ako ni Murphy and I can't explain how much I love her. Yung tipong kahit nakakabanas ang kalikutan niya ay hindi mo magawang magalit sa kaniya. Kaya sobra na lang ang pag-aalala ko nang makipag sagupaan siya sa labrador kong si mimi.

Para sa kalaaman niyo guysh, si Murphy ay isang dachshund  dachs·hund - ganyan i-pronounce hindi dashund! so bale short legged siya at mahaba ang katawan, compared sa Labrador breeds na higante pero malambing. Nagkataon na magkaka-period na si Mimi (cute name for a gentle giant huh?) at may pagka-moody siya ng mangyari ang hindi ko inaasahang bloodiest battle ever. Mabilis ang lahat ng pangyayari. Nagulat na lang ako na sinakmal na ni mimi at walang humpay na winawag-wag si murphy. Isang daang porsyentong lakas ang ibinigay ko para mapaghiwalay ang dalawa pero huli na ang lahat. Wak-wak na si Murphy. Akala ko nga katapusan na niya.

Magkabilaan yan -_-
Bonggang bongga ang mga tahing tinamo niya sa vet at mukha na siyang longganisa pagkatapos. Kinailangan kong tumakas sa office para i-interogate ang vet na maghahandle kay murphy. Kasi siyempre diba, hindi pwedeng ganun-ganun na lang. Kailangan kong malaman ang mga bagay bagay bago niya wakwakin si murphy. Ang una kong tanong which I know kayo rin ay mga magkano kaya ang aabutin ng operation? Ang sabi niya, magprepare daw ako ng around 7k pero siyempre bukod pa dun ang gamot, anaesthesia, blood test, at kung ano-ano pa. So mga magkano talaga? Prepare ka 10k ganyan kasi siyempre kailangan mo mag ready para sa post surgery care. Pero ano ba naman ang pera kapalit ng buhay? Kapag stress ka? Tumingin ka lang kay murphy mawawala ang pagod mo. Hayaan ko na lumipad ang pinaghirapan ko, besides kaya naman ako nagtatrabaho eh para may maipakain sa kanila. Oo, nilulutuan ng pagkain ang mga aso ko. Alam ko maraming nagugutom na tao sa mundo, pero nagugutom rin sila!



So ayun na, tinorjak na ng vet si murphy. May mga laman at balat na kailangan alisin dahil talagang wakwak na. Matapos ang operation, hilo-hilo si Murphy. Walang alarm-alarm ang peg niya na parang nagising sa isang masamang bangungot. Iyak siya ng iyak dahil siguro lahat sa kaniya masakit. Ikaw ba naman kayurin at tanggalan ng kung ano-ano diba? Nakakadurog ng puso! Sa puntong iyon, sinabi ko sa sarili ko na syet! AYOKO MAGKA-ANAK! AYOKO! Dahil kung magkakaroon ako ng anak at may mangyaring masama sa kaniya ay hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko. Narealized ko na  ganun pala! So kids kung may plano kayong gumawa ng masama, make sure na kaaway niyo at di kayo ang pupulutin sa ospital dahil shit kayo! Mahirap sa puso at bulsa! 


Sa mga oras na ito, nagpapagaling pa si Murphy, at di ako makatulog ng maayos dahil baka anytime bigla siya maglikot at masayang ang lahat ng sinakripisyo namin. 

Ayun!

Japhet

No comments:

Post a Comment

Instagram