Opisyal na hindi na magpo-produce ang Blue Magic ng paborito kong pabango. Ang sakit-sakit! Alam mo yung pakiramdam mo noong bata ka at ayaw mong pumasok ng school pero pinipilit ka ng mga magulang mo. Tapos nasa gitna ka ng classroom napapalibutan ng mga batang pabibo at hindi mo kilala, makikita mo yung mga magulang nila sumisilip sa bintana, pero yung iyo, ayun pumasok na sa trabaho. Ganun yung pakiramdam. Ang bigat sa dibdib shuta!
Gumuho ang mundo ko. |
Nung isang buwan pa ako naghahanap sa pinaka-malapit na Blue Magic store ng Garden Milk Perfume. Paborito ko talaga ang pabango na ito since 2003 ata or 2005 at para sa akin ay wala siyang katulad. Madami-dami na rin akong na-impluwensyahan na gumamit nito at minsan nga sinasabi nila sa akin na kapag naamoy nila ang amoy na iyon, alam nilang nandun ako. Nuks! Parang multo no? Haha! Ang amoy ng Garden Milk ay parang isang yakap ng isang ina. Pakiramdam ko, bawat damit na inisprayan ko nito ay maiging nilabhan na may purong pagmamahal. Kahit gaano ako kapawisan ay nanatili akong amoy fresh at bagong ligo. Kaya ganun na lang kalaki ang pagmamahal ko sa Garden Milk. Pero ngayong taong ito napagdesisyonan ni Blue Magic na wakasan ang buhay ni Garden Milk. Hindi na sila magpo-produce nito. Hindi ko na muling makikita ang cute na baby na napapalibutan ng hydrangea flowers. Hindi ko na muling malalanghap ang amoy ng pagmamahal.
Hindi ko alam kung ang munting tinig kong ito ay maririnig ng management ng Blue Magic. Sino ba naman kasi ako? Isang hamak lang akong mamimili sa milyon-milyon nilang customers sa buong bansa. Isang hamak na nag-eedit ng videos para mabuhay. Isang hamak na youtuber na wala naman gaanong nanunuod ng videos. Isang hamak na blogger na wala naman masyadong nag-babasa ng blog. Isang hamak na dreamer na balang araw ay nagnanais na makagawa ng sarili niyang pelikula. Ay iba na sorry! Haha!
Anyway, Garden Milk Baby Labs, your scent will be forever in mah hart and mah sol!