Nung araw na mawala si murphy, ilang beses kong pinigilang lumuha. Alam ko kasi sa sarili ko na dun ako magaling. Sabi ko it's about time na magamit ko ang abilidad ko na hindi umiyak sa mga sitwasyong kagaya nun, pero sadyang hindi ko kaya.
Hanggang ngayon, patuloy na bumabalik sa aking isipan ang bawat sandaling kasama namin si Murphy. Ang pag-usog niya ng lamesa sa tuwing kakain kami, ang kaniyang bitch face kapag iihi siya sa balcony, ang walang habas niyang pagpapakamot sa pwet, ang araw-araw na struggle namin para lang maibaba at mai-akyat siya sa hagdan, ang panghuhuli niya ng ipis at daga sa labas na kahit anong gawin namin ay hindi namin mapigilan, ang cute na cute na pagkahol niya kapag kumakatok si lola, ang pag-dila at pagtabi niya lagi kay lola kahit naiinis na ito sa kaniya, ang paghihintay niya sa akin kapag nagpupunta ako sa CR, ang pagtabi niya sa paanan ko kapag matutulog, ang pag-sampa niya sa gilid ng kama para mang-gising, ang excited niyang mukha at galaw kapag may bago siyang damit, ang mga maliliit niyang binti, ang pag-liyad niya para magpakamot, ang kaniyang pag-upo, ang kaniyang matulis na ilong na lagi niyang ididikit sayo, at madami pang ibang bagay na na-experience namin sa pag-aalaga sa kaniya.
Ilang araw na wala sa amin si Murphy pero hindi parin nauubos ang luha ko. Masakit na makita ang mga larawan niya, masakit na marinig na pinag-uusapan siya. Hindi ko alam kung iyon ang paraan ng mga tao para maka-moved on sa pagkawala ng isang minamahal, pero ayoko mag-moved on kay Murphy. Ayokong mawala siya sa alaala ko, ayokong hindi siya maisip sa tuwing babangon ako, ayokong hindi siya makita sa mga panaginip ko. Ayoko mawala si Murphy.
No comments:
Post a Comment