RATED SPG | WADAPAKINGDAY!

Ang Pinaka Pak na Planner sa Balat ng Ganern!

Mapaglaro talaga ang punyetang tadhana. Alam mo yung may kaakibat na kamalasan ang swerte mo.  Hindi ko tuloy alam kung magiging masaya ba ako sa nangyari or kebs na lang. Kanina kasi, umattend ako sa TEAM MAG event na QUICKIE, short chikahan about queer stories on erotic art and social media. Medyo nakakabitin pero arte pa ba? Hindi madalas pag-usapan ang mga ganitong topics sa kinalakihan ko and I'm hungry for representations. Bihira ako maka-attend ng mga talks na no-holds-barred so winner sana kaya lang, may awkward thing na nangyari. 

Nagkita kami ni Gladish sa PBCOM tower around 2:00 PM. Ako lang talaga dapat ang pupunta dito kaya lang sadyang nag-align ang mga bituin para isama ko siya, besides isa siya sa mga kaibigan kong virgin pero hayok sa sex talks. May pinagdadaanan din kasi siya and she needs some wisdom so I really think a quickie sex talk is what's good for her. LOL! Nung malapit na kami sa venue, may isang guy na nag-approached sa amin who seemed in a hurry, "Excuse me, is this the venue for the quickie?". At the back of my mind, "Tangina, is he referring to Quickie the talk or yung Quickie tsuk-tsakan?". Mah gurl Gladish replied with her common conyo accent na nakaka-pressure "Em net shure eh, Jephet iz it here be?".  Hindi ko alam kung paano ako lelevel sa dalawang yun sa mga oras na iyon so sabi ko na lang ay magtanong kami sa guard. Buti na lang ay kapit-bahay lang ng building yung venue so hindi ko na kailangan makipag-usap kay kuya guy. One Gladish is enough for my english puta. 

Wala akong idea kung sino yung mga speakers kasi sa totoo lang, hindi ko talaga binasa yung program online. Wika nga kasi ng great philosopher na si Rufa Mae Quinto, Go-lang-nang-go! Woooooooooh! Yeah! After registration, ay nag-start na ang talk. Napansin kong nag-eenjoy si Gladish dahil tango siya nang tango sa mga sinasabi ng mga speakers at lagi siyang may side comments na "yeah like sanfkjaefjnfvye". Alam kong matalinong tao si Gladish, kaya minsan, kapag kasama ko siya ay alam kong hindi lahat ng bagay ay maiintindihan ko sa kaniya #RealFriendship. Natapos ang first panel of speakers at nag-decide kaming bumili ng frozen yogurt. Kung bakit frozen yogurt? Well hindi ko rin alam. Palabas sa venue ay hinawakan ako ng isa sa mga speakers sa kamay at sinabi niyang "Hi". Medyo nagulat ako, slightly questioned my existence, who am I to be approached by someone from the panel of speakers? Sumagot ako pero confused, "hello". FUCK! Bakit wala akong maalala! Hinintay kong kainin ako ng lupa pero lupa is not interested. Sinundan ko si Gladish. Ang rude ko tangina! Biglang nag-rehistro ang lahat-lahat sa aking utak. POTA! Eons (charot) ago, nakipag-kember ako kay kuya sir. Nakita ko pa nga yung mga early works niya na promising talaga. I'm happy for where he is now, pero ang I'm so ROAD with what I did. Chinika ko kay Gladish ang lahat, wala lang naman sa kaniya. Kaya masarap kwentuhan si Gladish eh kasi #GladishCares. Pagbalik namin, I tried na i-approach si  Kuya Sir, but nahiya na ako, besides madami na siya kausap. Sino ba naman ako diba? Isang hamak na kember lang naman ako #ShutaAngItawagMoSaAkin. Pero sadyang maharot ang tadhana, nakaupo kasi siya sa harap namin ni Gladish. I took the opportunity para sabihin sa kaniyang, "I'm so proud of you, siguro nido ang gatas mo dahil ang talas ng memory mo", pero I've become the most socially awkward person after kong magkaroon ng existential crisis. Pota! I tapped his back tapos nag-smile lang ako. Wala akong sinabi! Tumawa si Gladish, unti-unting bumuka ang kisame pero hindi niya ako kinuha! Even the kisame is not interested with my shuta life! 

Natapos ang talk na masaya ako at si Gladish dahil we're sexually armed with queer stories in the digital age, pero hindi pa tapos si tadhanang paglaruan ang aking buhay. Biglang nagpa-raffle si TEAM MAG. Gusto kong manalo dahil ang prize ay ang pinaka-pak na planner sa balat ng ganern na ila-launch sa August 21, 2018 sa Pineapple Lab! The first ever LGBT planner in history potah! Kaso may issue ako, bumulong ako kay Gladish. "Glad, baka manalo ako sa raffle, shit malalaman na niya yung pangalan ko". Ang ginamit ko kasing name noon ay ZEAN! Tangina ZEAN! Iniisip ko rin bakit ZEAN? Ang layo sa real name ko! Huhuhu! Tangina ko mapagpanggap! Impostor! Hayup! Sexy! Hot! 

"Huwag kang mag-alala, ako ang mabubunot" mayabang na bulong sa akin ni Gladish pabalik. 

Chumikka na muli ang host. Nagbigay ng mechanics, bumunot, nag-announced ng winner. Plakado at hindi pangalan ko ang tinawag. Masaya si ateng na tinawag na pumunta sa harapan at kinuha ang premyo. Muling bumunot si host, mabilis na tumibok ang puso ko, para akong natatae, naka-fingers crossed "shit wag ako" , tinawag ang pangalan ng winner, nakahinga ako ng maluwag.  Badtrip si Gladish na hindi siya ang tinawag. Nag-handa na akong umalis nang biglang "She already left", sabi ni ate gurl sa gilid ko. POTAH! Na-excite si Gladish, para akong masusuka. Muling bumunot si host ng winner. Tahimik ang lahat nang i-announce ang pangalan KO. Siguro sa isip nila, who the hell? Sa gitna ng katahimikan, sumigaw ang bitter na si Gladish "OH MY GOD!". Nagmadali akong lumapit para hindi na ulitin ni host ang pangalan ko at para kunin ang Pinaka-pak na planner sa balat ng ganern. Tangina mo tadhana!

Ang moral ng story ay maging totoo sa pag-awra, dahil kung hindi, hahayupin ka ni tadhana in the future. Fuck you tadhana and your family tree! #kemberresponsibly

Japhet

No comments:

Post a Comment

Instagram