Kumatok yung kapit bahay namin kahapon at sinabing "Baka pwede pong patanggal nung damo sa may bakod niyo, andami po kasing higad". Bilang isang nagmamabuting kapitbahay eh nag-OK na ako, besides lagpas-lagpas na naman talaga yung halaman sa bakod at medyo madami ng tuyong dahon ang nalalag-lag sa kanila. Sinabi ko rin na "hindi po damo yan, THAT'S A WILD CUCUMBER! Mini-merienda kaya yan sa probinsya at madami yang nutritional benefits mga mang-mang! Jinudge niyo agad na damo hindi niyo pa nga natitikman, kung hinarvest niyo yung mga bunga eh di sana di na kayo gumagastos para sa pipino mga bobo!". Joke lang hindi ko sinabi yan. Isa akong mabuting anti-social na kapitbahay kaya minabuti ko na lang na manatili silang mga mang-mang. Siguro natatakot pa rin sila dahil isang araw eh may kapamilya daw silang itago na lang natin sa pangalang "Diniris" ang nagnanakaw sa amin ng kamias.
KAMIAS TO HINDI ITO ANG WILD CUCUMBER |
Ayun, isang linggo daw hindi nawala ang lagnat. Nung tinignan ng albularyo, napagalaman na siya daw ay diumano, "na-KAPRE"! Deym! Nasisi pa yung mga mabubuting nilalang sa likod ng bahay. So sa instructions daw ng albularyo, nakiusap sila sa amin na baka pwede daw nila itanim yung apat na bote na may dasal sa four corners ng buong bahay. Pumayog ang tito ko bilang isa kaming mabuting kapitbahay. Sabi daw ng albularyo "this will trap the kapre inside so it may never reach the victim again". Shuta! Nanahimik yung mga nilalang sa likod ng bahay namin! Bilang malakas ang pagku-kwentuhan ng mga kapitbahay namin na parang naka-public na daily vlog eh nakarating sa akin ang balita na gumaling daw si Diniris. Mahusay yung albularyo, pero curious ako sa kung ano ang nasa bote haha! Kinabukasan tinignan ko ang mga pinaglalagay nila at natuklasang wala lang, bote lang talaga siya na may papel at tubig. Nag-worry ako, may mga aso kasi kami at baka mamaya eh bigla na lang nilang pagdadamputin at laruan so bilang isang mabuting kapitbahay na may pagmamahal sa kaniyang mga aso ay naisipan kong kunin ang mga bote at itapon sa basurahan. Wala namang nangyaring masama kay Diniris. Nakikita ko nga sa labas lagi na nakatamabay at mukha naman siyang masaya sa buhay.
So balik tayo wild cucumber, kanina minabuti ko na ngang gapasin yung mga lumalagpas sa bakod. Sabi ko "Shet sayang", so habang nag-gagapas eh kumakain din ako. Hindi pa naman din ako nag-aalmusal so ayos! Medyo may kataasan yung bakod na gawa sa wires, feeling ko meant talaga ni lolo na pagapangan yun ng mga halaman kaya lang KJ tong kapitbahay. Umakyat ako at gamit ang aking lakas at angking kagwapuhan ay tinanggal ko ang mga vines ng wild cucumber. Ok naman, wala namang higad, tsaka bakit sila nagwoworry sa higad eh bubong na nila to at kung may space man sila "OH MY GOSH!" may space sa likod nila na nadiscover ko na medyo nga nalalaglagan ng mga tuyong dahon ng majestic wild cucumber na gumagapang sa bakod. Maliit lang yung space na iyon na may mga tools like panghukay and pangpukpok and whats that thing that you use when you want to cut wood, ah! legere, charot! Haha! Aside dun, may nakita din akong isang paketeng unused condom na nakaipit somewhere (bubong) na hindi basta-basta makikita ng kung sino man. Hummmmm.... I smell something fishy! Gusto ko sanang mag-iwan ng note na nagsasabing "alam mo bang tumataas ang tsansang mabutas yang condom mo dahil na-eexpose siya sa extreme heat ng bubong na ito?", kaso isa akong mabuting kapitbahay at focused ako sa pag-gapas ng damo, I mean wild cucumber.
No comments:
Post a Comment