It was all rainbows and butterflies until death strikes. Akala ko exempted ang mga taong tulad kong manhid na sa sakit at pighati, hindi pa rin pala. Kaninang 6am nawala sa amin si Meng. Hindi pa siguro enough yung best effort namin kaya sabi ni bathala kukunin na niya si Meng. Hindi namin deserve si Mimi. Hindi siya deserve ng mundong ito.
7 months siyang lumaban sa IMHA. Tanginang sakit yan! Tangina ng mundong to! Tangina namin for not taking good care of her. Tangina, sobrang sakit na mawala sa amin si Meng. Gumuguhit ang bawat alaala niya sa aking isipan na parang isang matalim na blade. Nakaka-gago ang emosyon lalo kapag tunay ang pag-ibig.
Pagod ang katawan ko pero hindi ang aking mga luha. Nag-kalat ang pakiramdam ko at wala akong planong linisin ito ano mang panahon ngayon.
Pagod ang katawan ko pero hindi ang aking mga luha. Nag-kalat ang pakiramdam ko at wala akong planong linisin ito ano mang panahon ngayon.
Mimi, makakatakbo ka na ng bongga! Makakalangoy ka na sa kahit saang body of water mo gusto. Huwag mo aawayin si Murphy pls. Makakain ka na ng tinapay na ipinagbawal namin sayo dahil sa starch. Hindi ka na tuturukan ng karayom diyan para sa punyetang CBC. Hindi ka na mahihirapan tumihaya kapag matutulog ka and for sure may malaking electric fan diyan, di ka maiinitan.
Pls, sunduin mo ko kapag time ko na. Gusto ko kasama ko kayo. Ayoko na sa mga tao. Bantayan mo mabuti yung variegated rubber plant natin ah. Kapag dumami yun ibebenta natin para yumaman tayo. Tapos bibili tayo ng lupang malaki na makakatakbo kayo ni Noggy. Yung may ilog din kasi alam ko naman na adik ka sa tubig, at para makalangoy din si Binay pato na BFF mo.
Miss ka na namin agad Meng.