New Office Struggle


Hindi ko alam if worth it ba itong ishare dito or kung ano pero gusto ko mag-kwento eh, besides, miss ko na magsulat. So wala pang isang buwan ang nakakalipas, minabuti kong mag-resign sa office para magpahinga ganyan, umiwas muna sa stress at magnilay-nilay, pero wala pang isang linggo, bigla ako naging kating kati na maghanap ng trabaho. Naalala ko na putangina mahirap pala ako at walang pagpapahalaga ang gobyernong ito sa kagaya ko kaya kailangan kong kumayod. Wala ako sa first world country para mag-drama. Nakakalungkot mang sabihin pero ganun ko na tignan ang mga bagay-bagay matapos ang nakaraang eleksyon. So ayun, corporate slave nanaman ako. Sabi ko sa sarili ko ang mahalaga naman eh hindi ako makalimot gumawa ng art ko - kung ano mang art yun. 

First week palang pero masaya naman ako sa bago kong opisina. May sarili akong table at equipment, may libreng pagkain, hindi mahigpit ang management, nasa ibang bansaa kasi ang boss ko, pero walang bidet. Namanage ko naman na kontrolin ang colon ko for 1 week kaso hindi rin nagtagal eh ayun, tinamaan ako ng lintek. 

Inis na inis ako sa mga pakulo ng SM para hindi gumamit ng bidet sa mga banyo nila! As if naman totoong may krisis tayo sa tubig eh obvious namang ginagawa lang nila yun para sa kaliwa dam na magdidisplace sa libo-libo nating mga katutubo. Tangina diba? Sa tuwing taeng tae ako eh kailangan kong ihold ang tae ko, lumabas ng building, tumawid sa kalsada, at maghanap ng banyong may bidet. 

Hindi ko kaya ang tissue tissue lang kahit wet wipes pa yan. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko! Alam mo yung pakiramdam na may natitira pang pooplets sa pwet mo, puta ayoko nun! Iba pa rin ang sarap sa pakiramdam na meron kang malinis na pwet. 

Subukan niyo, sigurado akong tataas ang confidence niyo at babango ang pagkatao niyo.

Japhet

No comments:

Post a Comment

Instagram