In my quest to be your certified kaladkarin guy (nuks) I decided na mag-coordinate ng isang trip to Sagada. Yaaas! Coordinator/Pornstar! Never say no! Kahit first time ko dun at wala talaga akong idea sa place, nag risk akong mag-primetime bida-bida. Matagal ko na gusto mag-punta sa Sagada pero kasi may something na pumipigil sa akin. Everytime na ayan na palagi na lang may bumubulong na "Shuta ka, darating ang panahon makakapunta ka diyan ng libre, wala kang gagastusin, gagamitin mo lang ang iyong skills at ganda card". So ayun na nga, kinontak ako ni Joela ( Joel De Guzman Travel & Tours) kung kaya ko and I said yes! Pagkatapos nun ayun na, nakilala ko na ang aking major guests at driver na si Mike. Expert si Mike sa Sagada kaya kampante akong nakatulog sa daan. Pagising ko, bumungad sakin ang mala-silent hill na lugar na ito.
Sabi ko sa sarili ko, puta ano ba itong pinasok ko? Pero hindi ako natatakot ah, excited ako ano ba! After breakfast nasilayan ko na ang Banaue Rice Terraces. Gusto kong gayahin yung pag-awit nila Ante Nora Aunor at Uncle Christopher De Leon sa movie nilang Banaue habang ginagawa nila ang mga hagdan-hagdang palayan kineme haha!
Isa sa mga nagpapahumaling sa akin sa Sagada ay si Eduardo Masferrre. Sobrang iniidolo ko siya sa pagkuha ng portrait pictures. Hindi ko alam kung paano niya napapalabas sa kaniyang mga litrato ang kaluluwa ng mga subjects niya. Minsan ko ngang sinubukang kulayan ang mga litrato niya pero hindi ko alam kung nabigyan ko ito ng hustisya kaya hininto ko din iyon. Gustong-gusto kong bumaba sa Masferre Photographs house para makilala ang asawa niya. Sabi kasi nung nagmasahe sa amin dun, buhay pa daw ito at magiliw na tumatanggap ng bisita na gustong makinig sa kaniyang mga kwento. Gusto kong makinig ng kwento! Mahilig ako sa mga kwentong Pilipino at ang Sagada ay punong-puno nito.
Pangarap kong mailibing sa Sagada. Alam kong hindi ako qualified na ilibing sa mga hanging coffins dahil una, hindi ako taga-sagada at pangalawa, hindi naman ako maituturing na elder nila kung-sakali man pero pangarap kong mailibing doon. Kahit man lang maging puno ako ay ok na. May kakaibang pagmamahal kasi sa kalikasan ang karamihan sa mga taga-Sagada kaya kung magiging parte man ako ng kalikasan eh gugustuhin ko na doon. May kung anong excitement akong naramdaman nang malaman kong mayroon silang mga sacred trees. Para akong bata na nakikiusap sa tour guide namin na kahit man lang daanan namin ang isa sa mga iyon. Busog na busog ako sa kwento at kaalaman na alam kong hinding-hindi matutumbasan ng kahit magkanong salapi. TARUSH!
I love Fidelisan and the Bomod-ok falls! Kapag pupunta kayo dito, huwag kayong mahihiya na magtanong sa mga Tour Guides niyo, huwag puro selfie sa mga sunflowers at rice terraces kasi iilan lang naman ang ipopost mo -_-. Try to debunked your own understanding of their culture by asking them directly na hindi naman nakaka-offend. Isipin mo it's how you say it. *kindat *ting! May kakaibang kineme ang bawat body of waters na napupuntahan ko. By kineme I mean enerhiya haha! Pano ba naman kasi, after nang nakakalokang trekking eh sobrang nakaka-refresh yung tunog, hitsura, amoy, at lamig ng falls. As usual , breathtaking ang view at isa pang breathtaking ay yung pagiging sariwa ng mga gulay na kakainin niyo.
Pakiramdam ko 8 out of 10 nang nagpupunta sa Sagada ay either naghahanap ng pag-ibig or sinusubukang i-rekindle ang kanilang pagmamahalan. Ang ilan ay naghahanap ng kanilang magiging Tony Labrusca sa buhay. Mga shuta kayo! Well, di ko naman kayo masisisi. Iba ang dalang pag-ibig ng hangin sa Sagada. May kung anong erotic feeling ang namumuo sa mga gabing kay lamig at kahoy lamang ang pagitan ng mga... ay ano ba yan! Hahaha!
Aside sa mga sinabi ko, napakaraming maaring puntahan sa Sagada, hindi enough ang isang blog entry para i-chikka ko sa inyo. So ano pa ang hinihintay niyo! Book na kay Yowel Apostol on facebook ( https://www.facebook.com/joel.a.deguzman.73 ) para tapos na ang chikka! Kita-kits! :D
No comments:
Post a Comment