3D2N SAGADA Philippines Itinerary 2019


Hey guysh! Na experience niyo na ba ma in-love? Yung tipong you’ll go the distance just to be with the love of your life? Well I just did and I never expected it would be this good. Yiiiieeehhh! Hindi ko kayo tsina-charot ah. I’m not talking about a certain person kayo naman talaga. I’m talking about Sagada. Ok, sige not only Sagada, but the whole mountain province experience. It’s so special that I want to do it again and again. You can say it’s addiction, but for me it’s love. Kung pwede nga tumira na lang ako at mag-tanim ng gulay at mag-alaga ng hayop at aso I will AF! Kaso malabo pa sa ngayon, may mga responsibilidad tayong hindi natin basta-basta pwedeng iwanan sa punyetang siyudad. Kaya naman naisipan ko na bakit hindi na lang ako mag-organize ng sarili kong tour paakyat sa Sagada. Wala ako care kung wala akong kitain basta mabalik-balikan ko lang ang mga lugar na iyon. Pero siyempre hindi pwedeng basta travel keme lang ang gawin ko. Being a coordinator in Sagada is both an honor and responsibility. If I were to be your coordinator, I will use my voice to influence you (my guest) not to be an ASS when travelling to certain places in Sagada. I will also raise awareness... cheret! Basta I'll make sure na hindi lang kayo mag-eenjoy, matututo pa kayo, at ligtas ko kayong maibabalik sa Maynila. Ganyan! 

Here's my sample SAGADA itinerary, siyempre dalawang option ang ibibigay ko sa inyo, kasi ang mga itinerary na ito ay naka-depende sa kakayanan niyo bilang mga mortal. Karamihan sa mga nakasama ko sa Sagada, may malakas na pananalig kaya napagtatagumpayan namin ang itinerary, yung iba talagang sumusuko sa kalagitnaan. Huwag kayong ganun haha! 

OPTION 1: Marlboro Hills & Blue Soil Experience 2699 PHP





OPTION 2: Bomod Ok Falls and Fidelisan Rice Terraces Experience 2699 PHP



 

I'm sure may mga nakataas ang kilay sa itinerary kong ito. Nag-iisip ba kayo kung bakit wala ang Mt. Kiltepan tsenelyn na sumikat sa movie na 'That kember ng tadhana" (I forgot the name haha). Nasunog po kasi siya kaya temporary close pa siya sa publiko, but don't you fret dahil magsasawa kayo sa ulap, fog, at sariwang hangin sa Sagada. Hindi naman lahat cup-of-tea ang pamumundok at simpleng pamumuhay sa Sagada, pero I'm sure madedetoxify kayo sa lahat ng ka-toxican sa siyudad.

So if you want to travel with me (yeees!) I'am now opening my self for reservation. Haha! PM is the KEY! Nuks naman! Every THURSDAY night ang alis ng van to Sagada at SUNDAY night ang balik sa MNL. Pwede na kayo mag-pareserve ng March, April, May 2019

Open for group and joiners. Keri? For inquiries you may contact (02) 753 8810 or send an inquiry to https://www.facebook.com/japhetonthego/

PS 

Medyo pricey po kapag si Ante Kiki ang nirequest niyo shuta haha! :P 

Japhet

2 comments:

  1. Gusto ko makapunta ditooooo! lmao sa P.S 😂😂😂

    ReplyDelete
  2. wow ganda ng views, sana paguwe makarating ako dito sa sagada...

    ReplyDelete

Instagram