Kung kumakain ka habang binabasa mo ito, tumigil ka muna at isiping mabuti "Kaya kong bang lunukin ang nginunguya ko ngayon kapag pinagpatuloy ko ang pagbabasa?" dahil kung hindi, you're in para sa isang nakasusulasok na treat.
First time ko sumakay ng eroplano na may travel time na 12 hours. Usually kasi 3-6 hours lang ang mga biyahe ko kaya pwede kong sabihing hindi talaga ako prepared. Nagsimula lahat isang oras pagkatapos ng flight crew mag served ng meal. Medyo excited ako kumain kasi inisip ko na mahaba-habang biyahe ito. I can say na I really took advantage of the services they offered siyempre sayang ang bayad diba? Ilang saglit lang, nakaramdam ako nang paghilab sa aking tiyan. Alam ko na may laman ang bawat paghilab na iyon at hindi basta hangin lang pero pinigilan ko ang aking nararamdaman. Hindi ko pa nararanasang tumae sa eroplano dahil una, ayaw ko at pangalawa, natatakot ako sa flush ng toilet ng mga eroplano. Para kasing may libo-libong boses na lumalabas sa inidoro kada-flush mo, parang boses ng mga yumaong humihingi nang saklolo.
Apat o Limang oras na ang nakalipas, nagising ako sa lakas ng turbulence. Nagsalita ang piloto pero wala ako sa sarili kaya hindi ko siya gaanong naintindihan. Basta ang alam ko ay sinasabihan niya kami na imaintain na naka-fasten ang sit belt. Itinaas ko yung window cover pero sobrang dilim at wala akong makita sa labas. Sa likod ko ay may nakakairitang baby na ngumangawa. Hindi ko talaga gusto ang mga bata. Sa screen ng maliit na monitor na nakakabit sa aming upuan nakikita ko na dumadaan ang eroplano namin sa pagitan ng India at Pakistan. Kamakailan lang ay napabalitang may mga flights na na-cancelled dahil sa tensyong nagaganap sa pagitan ng dalawang bansang ito. Minabuti kasi ng Pakistan na isara ang kanilang airspace dahil siguro baka paulanan sila ng missiles ng India. Di ko alam na may ganung kakayahan ang India na makipag digma. Bakit ba kasi may giyera? Kung iyon ay itinadhana ng Diyos para linisin ang sangkatauhan, tangina! Parang tanga lang. Matatanggap ko pa sana kung mga trahedyang gawa ng kalikasan pero gawa ng tao? Parang sira lang, pero kung iisipin mong mabuti, lahat naman ng kaguluhang nangyayari ngayon ay likha ng tao. Pakshet! Nakakahiya sa may lumikha ng sansinukob.
Kasabay nang pag-alog namin dahil sa turbulance ay ang walang tigil naman na pagkulo ng aking tiyan. Taeng-tae na talaga ako. Gustong-gusto ko na umilaw yung unfasten seat belt sign para makatakbo na ako sa lavatory. Ilang minuto pa ang lumipas at kumalma na ang buong eroplano. Hindi ko alam kung bakit pero naging kalmado rin aking tiyan. Hindi na ako umalis sa kinauupuan ko dahil halos lahat ay nagmamadaling mag banyo. Yung isang flight attendant nagsimulang magserve ng inumin. Pinili ko yung orange juice kasi gusto ko talagang matikman yun pero si ateng FA, grape juice ang ibinigay sakin. Wala ako sa mood makipag-talo lalong-lalo na dahil di naman ako kagalingan sa pag-iingles kaya tinanggap ko na lang- hindi masarap! Maasim! Hindi ata grape juice yun! Dali-dali ako tumayo, mabuti na lang at bakante ang dalawang upuan sa hilera ko kaya madali akong nakalabas. Medyo nahihilo ako nang makaupo ako sa inidoro. Bumulusok na parang binuksang gripo ang tae palabas sa aking pwet. Ang sarap sa pakiramdam pero talagang nahihilo ako. Nang maglilinis na ako, narealized ko na wala nga palang bidet ang mga cr sa eroplano. Ayoko ng tissue kahit pa napakaraming pagpipilian. Para kasing hindi malinis. Nandidiri ako, pero wala akong magawa. Pinili ko ang wet tissue, kumuha ako ng mga ilang piraso bago ipunas sa pwet. Naririnig ko na parang dumadami ang tao sa labas. Sinigurado kong naka-lock ang pinto baka mamaya kasi ay may biglang pumasok okaya sumingaw yung amoy ng tae ko. Nung feeling ko napunasan ko na ng maigi ang pwet ko gamit ang siguro ay 18 pieces na wet tissue ay tsaka ko flinush ang toilet. Nakakatakot talaga ang tunog ng bwakang inang flush, pero mas nakakatakot ang mga sumunod na pangyayari.
Hindi lumubog ang tae ko. Matatag itong dumikit sa gilid ng toilet kahit tatlong beses na akong nag-flush. Sobra akong pinagpapawisan sa kaba at dahil sa kaiisip na baka kung anong sabihin sa akin nung susunod na gagamit. Lumakas pa lalo ang ingay ng mga tao sa labas. Iniimagine ko na siguro ay may pila na doon. Tangina! Apat naman yung CR. Sa pagmamadali ay minabuti kong dakutin ang tae ko gamit ang sick sack. Nakakadiri! First time kong dakutin ang tae ko sa inidoro. Ang mas nakakadiri pa ay nung itatapon ko na ito sa basurahan. Paano kasi'y punong-puno ang basurahan ng mga tissue paper na only God knows kung saan pinagpupunas ng mga taong gumamit ng banyong iyon. Gamit ang aking kamay at lakas ng loob ay itinulak ko papasok ng basurahan ang sick sack na naglalaman ng tae ko, kasama ang mga tissue paper na again only God knows kung saan naipunas.
Habang naghuhugas ng kamay ay napansin kong nag-iiba ang tono ng ingay sa labas, parang silang biglang nagdadasal o alam mo yung mga nag-oorasyon? Ibat-ibang lenguwahe pero alam mong may pagkakapareho sa tono. Wala naman turbulance o kung anong dahilan para bigla silang magsipag-ganun. Inisip ko na lang na baka may kung anong pakulo yung airline na to para i-entertain yung mga passenger or may birthday tapos iba lang ang rehistro ng tunog dito sa loob.
Bago ko buksan ang pinto para lumabas, nag spray muna ako nung perfume nila na nakapatong sa sink. Ang bango, pero amoy bulaklak sa patay. Pag-pihit ko ng lock ay biglang tumigil yung ingay na parang mga nagdadasal. Naiwan yung tunog ng eroplano. Pagbukas ko ng pinto ay may nakaabang sa aking babae na matangkad. May ibinulong siya sa akin na biglang nagpatindig ng aking balahibo. Parang ayokong bumalik sa kinauupuan ko pero inusog niya ako at bigla siyang pumasok sa lavatory. Madilim ang buong eroplano pero kitang-kita kong nakatingin sa akin ang lahat ng pasahero. Sa kanilang mga labi ay mga nakakapangilabot na ngiti na ngayon ko lang nakita sa talambuhay ko.
Tangina nitong mga to, nag flush naman ako.

Kalurkey travel mo beb..nonstop flight mo?😮
ReplyDelete