Snoe Beauty's Stink Positive Spray Review


It's been a while since my last post, medyo under the weather kasi ako and if you're really following my blog, you know I'm on the lookout for a new fragrance na tatalo sa mah hart mah sol Blue Magic Garden Milk. Shuta kasing Blue Magic to eh, bigla-bigla na lang nagpi-phase out ng product, pero feeling ko partly responsible din ako kasi matagal kong isinekreto sa mundo na yun ang brand ng pabango ko. Everytime may nagtatanong ang laging sinasagot ko, "Ene ke be, febric cendetiener leng yen". HAHA! Pero kidding aside, nahirapan talaga ako mag-move on sakaniya. Feeling ko nga hanggang ngayon hindi parin ako contented sa mga perfumes na ginagamit ko, pero I want to share to you something. In my quest for better perfume, I stumble upon this holy grail of body spray. Ayoko kasi talaga ng mga strong smelling axe like body sprays. Gusto ko yung simple lang pero handa kang ipaglaban sa anumang hamon ng buhay. And I tell you this, mahirap makahanap ng mga ganyan. Lagi ako nagtatanong at nagtetest ng kung ano-ano sa mga malls, until Martin of www.martinjohnandrade.com (this is not a paid post haha!) made me try Snoe Beauty's Stink Positive Instant Shower Spray. Nung unang try ko sabi ko shuta ano to ba yan! but as it eases down into the surface of my skin, I feel relieved and happy. Haha! totoo promise, meron siyang cooling and relaxing feel. Hindi rin siya malagkit sa balat. After ilang araw, hinanap-hanap ko siya hanggang sa makita ko siya sa lagayan ni Martin ng mga for review products niya. Pasensya na Martin, but I decided na magnakaw ng ilang MLssss lang naman. 1 week ko na siyang ginagamit and I must say na napaka-dami niyang purpose. I used it as alternative sa deodorant kasi may tawas content siya at ginagamit ko rin siya pang spray sa closet. Minsan ayoko talaga mag-shampoo, OO na! Nakakadiri! Gusto ko kasi palabasin ang mga natural oils sa buhok ko so wala akong paki-alam sa nararamdaman niyo. Minsan triny ko ito sa buhok kong walang shampoo and I did not expect the result. Hahaha! Feeling ko nasa testimonial video ako ng O Shopping, yung palabas sa Channel 2. Pero seriously, ang bango ng buhok ko. Pwede kang tumira sa anit ko ng isang buong araw sa bango. At uulitin ko, hindi siya greasy or malagkit. I LOVE IT! Nakakatawa man sabihin pero literal kong iniispray yun kahit saan kapag naka-aamoy ako ng mabaho. Feeling ko nga pwede rin siya sa sasakyan okaya kapag may naamoy kang mabaho sa jeep, wisikan mo ng kaunti at siguradong tepok ang bantot sa Stink Positive ng Snoe Beauty. Hahaha! Lakas maka-ads no? huy! genuine ang review kong ito. Medyo pricey nga lang siya kasi nag-check ako sa website nila muntik na akong atakihin sa puso. Pero kung ako tatanungin mo, fair naman yung presyo niya sa quality nung product. Kung may rosemary or citronella scent nga lang ito baka ginamit ko rin to sa humidifier ko as alternative sa essential oils. 


Walang kyeme yan ah! Sobrang worth it niya kaya hihintayin kong matapos ni Martin ang review niya at magnanakaw ulit ako ng ilang MLssss. 

That's it for today! Labyows!

*Ang blog na ito ay gabay lamang, meron tayong free will, 

Japhet

No comments:

Post a Comment

Instagram