Magkahawak kamay, sinabi ni Janinay kay Dada ang "I do" sa harap ng judge at naming mga kaibigan nila at pamilya. Naalala ko nung isang araw kausap ko si Janinay tinatanong ko siya kung excited na siya sa kasal niya. Sabi niya hindi daw dahil parang napaka-pilit na. Yung pakiramdam na ginawa niya na lang dahil kailangan, wala na raw surprise, wala na yung romance, gayun pa man daw masaya pa rin siya. Naisip ko, ganun kaya ang magiging pakiramdam ng mga tao kapag ikinasal sila sa ilalim ng Civil Partnership? Ooops! Di ko pala pwedeng gamitin ang terminong kasal kasi in real sense magkaiba yun. Karamihan ng benepisyo na makukuha ng dalawang taong ikinasal ay makukuha rin sa ilalim ng Civil Partnership, ang "ISA" sa mga pinagkaiba ay ang mga seremonya at taong magkakasal, pati na rin ang pension na makukuha in case may mategi sa mag-partner, pero di ako magdi-discuss nito sa inyo dahil ang talagang isinusulong ko ay pakinggan tayo ng senado at ipasa na ang SOGIE Equality Bill sa 18th congress, pero sa ibang blog na yan kasi ang gusto ko talaga i-chikka ay tungkol sa kasal ni Janinay. Naniniwala ako na maipapasa-batas ang SOGIESC pati na rin ang Same-sex marriage at divorce. Medyo mag-aantay lang pero willing to wait and werk mem! Anyway, balik sa kasal ni Janinay.
DIMUNYO FRIENDS |
Buti na lang iba sila Janinay at Dada. Matapos sa judge ay dumiretso kami sa bahay nila Janinay para kumain. Isa itong compound na binubuo ng kanilang mga family members at ilang borders. Pina-experience sa amin ni Janinay at Dada ang kanilang kakaibang pagsasama. Hindi sila kagaya ng ibang mga bagong kasal na may mga seremonya at kung ano-ano pa. Hindi rin sila nagpi-pretend na sweet sa harap ng camera. Si Janinay ay parang isang batang nagmumukmok at galit na pinagsisigawan si Dada dahil lang sa hindi niya gusto ang cake na binili nito. Si Dada ay nag-lagay ng anniversary tarp ng kaniyang grupo imbes na 10th anniversary tarpaulin nilang mag-asawa sa toldang itinayo nila sa kalsada. Gayunpaman, makikita mo kung gaano sila kasaya at kung gaano nila kamahal ang isat-isa dahil malaya nilang naipapahayag ang kanilang mga nararamdaman at kagustuhan sa buhay.
Napagtanto ko na ang tunay na masayang relasyon ay hindi naka-base sa mga patakarang idinikta ng lipunan o relihiyon. Mahalaga sa relasyon na alam niyo ang kabaliwan ng isat-isa at marealized niyo kung paano niyo ito tatanggapin hindi lang para sa ikabubuti ng mga bata (or family) pero pati na rin ng inyong mental health. Ayoko kaya ng mga toxic at pretentious na relasyon!
PS. Ako talaga ang ama ng baby niyo
No comments:
Post a Comment