Hey Guysh! Welcome back to me! Hindi talaga ako good sa introductions so maiintindihan ko kung ayaw mo na ipagpatuloy ang pag-babasa ng blog post kong ito, pero kung alam mo na,.. medyo bored ka... pagbigyan mo naman na ako. Ganito kasi yan, recently medyo down ako kasi affected ako sa mga nangyayari sa bansa natin. I know some of you may say na OA ako at pino-problema ko pa yung mga ganun bagay pero hindi ako pinapatulog nang pananahimik ko. Para akong nagkakaroon ng anxiety knowing na may magagawa naman ako pero mas pinili kong mag-milk tea. Okaya alam kong pwede ko namang tutulan pero mas pinili ko na lang mag-netflix and chill. Hindi nakakatulong sa estado ng mental health ko ang pananahimik.
After nung May election, sobrang na-down talaga ako. Parang sabi ko dapat pala di na lang ako bumalik kasi parang walang pag-asa. Tapos ang dami pa nangyari na nakakaloka after nun, halimbawa na lang eh yung kay Cardema, yung parang timang na SWS poll tungkol sa Civil Partnership, tapos ngayon itong SOGIE bill na hindi naipasa sa 17th congress, nakakapanlumo! I'm sure pumapalakpak ang mga tenga nung mga homophobic kong facebook friends. Sini-celebrate nila ang kawalan ng equality sa bansa natin dahil mas mahalaga sakanila ang relihiyon. Ma-divide na at magunaw na ang mundo, makapatay na sila or what basta ang mahalaga sa kanila, makapunta sila ng langit. Kung ganun lang din palang mga klase ng tao ang makakasama ko sa langit mas gugustuhin ko na lang makasama ang mga aso ko.
Gusto ko sila i-unfriend actually pero habang isa-isa ko silang inaalis sa sistema ko narealized ko yung itinuro sa akin ng bibliya na "Be with the sinners" haha! So hinayaan ko na lang yung mga dimunyu sa friend list ko. Bahala silang mairita sa mga sa tingin nilang kalokohan ko. I'm Beyonce Bitch!
Inisip ko rin, ano bang kagandahan nitong pag-keep ko sa kanila as my FB friends kahit di naman sila kagandahan? WALA! Kaya nag-isip na lang ako ng mga magagandang bagay na nangyari despite the turmoil.
Una, naisip ko na di man naipasa ang SOGIE Bill sa 17th congress, may 18th congress pa naman at I'm sure by then mas mulat na ang karamihan sa pang-aabuso, karahasan at diskriminasyon na nararanasan hindi lang ng mga LGBTQI+ people ngunit pati na rin ang mga indigenous people, PWDs etc. Hindi naman kasi limited ang SOGIE sa amin, para sa ating lahat ito.
Pangalawa, may mga naipasang batas naman na sobrang makakatulong sa atin habang iniintay natin ang SOGIE na maisabatas. Halimbawa eh yung Mental Health Act, kasi diba prone tayo sa mental health issues dahil naloloka tayo sa idinidikta ng mga commoners and their religion sa ating mga creative minds, ngayon alam na natin na may batas na sisisguruhin may access tayo sa services na kinakailangan natin para sa ating mental health.
Pangatlo, sa Expanded Maternity Leave Law, maaring i-allocate, ayon sa IRR, ang dagdag na 7 days sa iyong partner anuman ang kasarian nito.
Pangapat, naisabatas na ang Safe Streets and Public Spaces Act kung saan mabibigyan ng kaparusahan ang sinong mambastos o mang-harass sa mga public spaces. Diba bongga?
Panglima, dumarami na ang mga local governments na nagkakaroon ng mga Anti-Discrimination Ordinances na mas lalo pang magbibigay ng proteksyon sa ating mga LGBTQI+. Kung wala pang ganitong ordinance sa mga lugar niyo, you know what to do. (Update: Napag-alaman ko na wala palang kwenta ang mga ordinances kung walang IRR (Implementing Rules & Regulation), so bale may 24 cities na may ADO pero 2 lang ang may IRR, Cebu and Quezon City. Shuta this!
Sa mga nangyayaring ito at sa pag-lobo na rin ng mga taong hindi nakakaintindi sa atin, hindi ba't the more reason to fight for our rights? Ipahayag sa kanila na hindi naman tayo iba sa kanila at yung mga serbisyo at benepisyong ibinibigay sa kanila ng gobyerno ay deserve din natin.
Kaya ano pang hinihintay niyo? Tara na at sumama sa darating na #PRIDEMARCH2019 sa Marikina Sports Center (Hahaha Pangarap ko talaga maging Promodiser eh) at sabay-sabay nating iprotesta ang ating mga karapatan para sa pagkakapantay pantay at pag-ibig! YEEEES!
See you!
#JOTG
No comments:
Post a Comment