Bakit ba may mga taong ungrateful?

Picture for attention only haha! Ganda ng pez ko dito eh
Naranasan mo na ba sa buhay mo na gumawa ng mabuti? Well, if you are about to ask me siyempre oo ang isasagot ko kahit may times na hindi talaga bukal sa loob ko ang ginagawa ko. Minsan required kasi...basta alam mo na yung mga ganung pagkakataon. 

May isang beses kasi sa buhay ko while I was going home from our shitty office in Mandaluyong eh naisipan ko gumawa ng mabuti. So I was standing in line sa terminal ng tricycle sa Guadalupe nang biglang out of the blue eh umulan. My gosh! Biglang nagdisperse ang mga tao at bilang laging handa ay inilabas ko ang maalamat kong payong ng Greenhills. Alam mo yung payong kapag nag-golf ka? Kung wala kang alam sa golf imagine mo na lang yung payong ng nagtitinda ng ice cream, hindi ganun, kasi mas maliit ng kaunti dun. Eh since si kuyang nasa harapan ko ay mukhang hindi magpapatinag sa ulan kahit sobrang wet na siya, as in wet na wet, eh dahan-dahan ko siyang ipinasukob sa malahigante kong payong. Ilang saglit lang ay bigla siyang nagtaka at wala ng pumapatak na tubig ulan sa kaniyang payatot na katawan. Lumingon siya sakin kaya sinuklian ko siya ng napaka-buti at ganda kong mga ngiti na hindi lumalabas ang ngipin. At ang hitad na si kuya ay bigla akong tinignan ng masama at lumabas sa silong ng maganda kong payong. Tangina niya! Napaka matapobre! Minsan na nga lang ako gumawa ng kabutihan sa buhay ko hindi niya pa ako binigyan ng chance! Sa galit ko sinahuran ko siya ng tubig ulan galing sa payong ko. Nyeta ka kuya.

The other day, malakas pa rin ang ulan at dala-dala ko pa rin ang mahiwagang payong papasok naman sa office. Nakakita ako ng matandang lalaki na may dalang stroller bag. Siguro ay papunta siya sa pwesto niya para magtinda. Maaga pa naman at hindi pa ako malilate sa opisina. Hindi ko siya pinasukob.

Japhet

1 comment:

Instagram