Taong Palaka sa Ilalim ng kama


May taong palaka raw sa ilalim ng kama ni Lola Rapunzel. Hindi ko alam kung dahil lang sa katandaan kaya kung ano-ano na ang nakikita niya, pero lumaki ako sa mga nakakatakot niyang kwento na alam ko sa sarili ko ay may konkretong (tama vah spelling?) basehan. Never ko maalala si Lola Rapunzel na sinabihan ako na "Wag ka diyan sige kakainin ka ng aswang" or "Kapag dumiretso ka maduduwende ka" dahil ang paraan ni Lola Rapunzel para takutin ako ay papakainin niya ako ng luto niyang meal tsaka siya magkukuwento ng mga hair raising stories na hanggang ngayon ay tandang-tanda ko pa. Ang mga kwento sa hapag kainan ni Lola Rapunzel ang talagang sobrang nag-influence sakin na kahiligang ang magbasa at manood ng mga horror stories.  

Sa edad niya ngayon ay di na siya madalas magkwento, hanggang sa isang araw ay chinikka niya kay mama na may batang palaka raw na nasa ilalim ng kaniyang kama at kinakalabit siya. Simula noon, ayaw na ni Lola Rapunzel na matulog mag-isa. Kilala ko si Lola Rapunzel na isang matapang na babae na minsan ng gumupit ng lawa ng tiktik na muntik ng lumamon kay Dech noong nasa tiyan pa siya ni mama. Minsan na rin niya akong muntik ng ihagis sa balon dahil sa galit niya sakin noong nagdala ako ng nahuli kong walo-walo (poisonous snake) sa Gumaca (I'm so great!). Basta matapang siya! Kaya naman laking gulat ko na malaman na ayaw ni Lola Rapunzel na matulog mag-isa. 

Nung una ay hindi ako naniniwala kaya minabuti ko na alamin. Dahil sa work, mawawala sila mama ng 2 araw kaya minabuti kong samahan si Lola Rapunzel. Doon ko natuklasan na mayroon nga siyang kinatatakutan na hindi namin nakikita. Ayaw ni Lola Rapunzel na matulog ako sa kwarto ko dahil ang sabi niya lang ay "mahirap na". Napansin ko rin na may kahoy sa ilalim ng kama niya kaya minabuti kong tanggalin pero sinaway niya ako. Sinubukan kong kulitin si Lola Rapunzel para mag-kwento siya tungkol sa taong palaka pero ayaw na niyang chumikka. Siguro inisip niya na mabuti pang wag na magsalita dahil sa panahon ngayon ay wala ng gustong makinig. Siguro inisip niya na sa panahon ngayon, ang mga ganitong kwento ay katutuwaan na lang ng iba kaya hindi na worth ikwento. Siguro inisip niya na wala ng gustong makinig. 

Isang hapon, dumating ang tito kong parang si Coco Martin ng probinsyano mag-salita (Nyammy!) dala ang kaniyang mga anak. Tuwang-tuwa si Lola Rapunzel. Hinihintay ko siyang mag-kwento lalo na sa bunsong anak ni Tito, pero natapos ang araw, hindi nag-kwento si Lola Rapunzel.  

Lola Rapunzel

Japhet

No comments:

Post a Comment

Instagram