Matagal nang hiwalay si Mama at Papa at alam kong parehas na silang naka-moved on sa mga buhay nila. Alam kong maiimbyerna ang nanay ko kapag nabasa niya ito at maaring idemanda niya ako pero that’s life. Gusto ko lang kasi ishare sa inyo guysh yung isang tagpo sa serye ng hiwalayang Jaime at Mina, at ang pronunciation niyan ay “Hay-Me” not “Jay-Me” like most mamayang millennials will probably do. Itong tagpong ito talaga yung isa mga hindi ko malilimutan dahil isa ito sa mga talagang tingin ko eh gigimbal sa mga drama rama sa hapon. Pinamagatan ko ang tagpong itong "Adobo".
So I was like YOLOing (hindi ito pagmamasturbate please!) in our house sa C5 when all of a sudden, may kumatok sa pinto. Pag-bukas ko ay laking gulat kong makita ang aking amang si Jaime with a huge plastic of chicken and pork adobo ingredients. Alam kong hindi na nila gustong makita ang isat-isa lalong-lalo na sa bahay pero ano ang laban ko sa isang plastic ng about to be CHICKEN PORK ADOBO? So I let Jaime enter the house and cook dahil love niya ang pagluluto at love ko ang pagkain. Ang saya-saya ko na maamoy ang kumukulong toyo na may paminta at dahon ng laurel. Para akong nasa isang masayang restaurant nang ihain sa akin ni Jaime ang Adobo, hanggang sa may isa nanamang katok akong narinig sa pinto. Hindi ako kinabahan sa puntong iyon dahil most probably that's just Dech. Pero mali ako. Pagbukas ni Jaime ng pinto ay bumungad sa kaniya ang pagod at nagngingitngit na si Mina. Pumasok si Mina sa loob ng bahay na naka-silent mode. Naunsiyame ang pagsubo ko ng isang kutsara ng mainit na kanin na may kasamang Chicken Pork Adobo na umuusok-usok pa. Silent mode parin, ay isinalampak ni Mina ang kaniyang bag, kumuha ng ilang gamit at sinabing, sa office na lang ako matutulog, sabay labas ng bahay. Sumunod si Jaime sa labas at naiwan ako at ang adobo sa loob ng bahay.
Sa puntong iyon ay nilantakan ko ang adobo.
No comments:
Post a Comment