Dalhin mo naman ako sa Batanes

Nakaka-tuwa ang mga pangyayari sa buhay ko nitong mga nakaraang araw. Naalala ko kung gaano ko hinihikayat ang officemate ko na sumali sa isang pa-contest ng Power Mac Philippines kung saan magbibigay sila ng scholarship sa isang film camp na gaganapin sa Batanes. Oo BATANES AF! Habang sobrang pinipilit ko siya dahil alam ko kung gaano siya kagaling when it comes to cinematography and other technical aspects of filmmaking, sa loob-loob ko ay may tumatalong duwende na pilit sinasabing "shuta ka! Kunwari ka pa eh ikaw talaga ang gustong sumali diyan, mandadamay ka pa ng iba". Haha! Totoo! Gusto ko talagang sumali. Ilang taon na rin akong binabagabag ng duwendeng ito tungkol sa mga istoryang nasulat ko na nakaimbak lang sa computer. Walang nangyayari sa kanila, tabi-tabi lang silang nagbubulungan sa loob ng drive at siguro isinusumpa ako, bakit ko pa sila isinulat kung wala rin naman akong kumpyansa sa kanila. Hindi naman sa wala akong kumpyansa, gusto ko lang talagang maging hinog sa larangan ng pagkukuwento. Sinubukan kong mag inquire noon sa workshop ni Armando Lao pero overwhelmed ako sa presyo. Hindi kalakihan ang kinikita ko at kahit alam kong investment ang workshop na iyon ay..... teka nagigi na akong ma-drama. Basta punyeta! Sinabi ko na lang sa sarili na time will come at maikukwento ko rin kayo, so ayun na. 

Lumipas ang mga araw, ang daming deadline sa office, nakagat ni mimi si muprhy (different post, mahabang istorya) at gumastos ako ng malaki para sa surgery, hindi ko na naisip ang pa-contest ni mayor. Dumating ang deadline at ang nasa isip ko lang ay, baka sabi ni universe, hindi ko pa time so kebs na lang ako and nagpaka grateful na meron pa akong bubong sa ulo, may pagkain pa sa ref, at nadiscover namin na ilegal palang nanguha ng kamias ang kapitbahay kaya ayun na-kapre. Kinailangan mag Atang sa likod ng bahay (siguro ikukwento ko na lang din sa ibang post). 

Pumatak ang 7pm - deadline noong March 24, kebs parin ako sa punyetang dwende sa loob ko. Habang nagpi-facebook, nagulat ako na mabasa ang notification na extended ang submission ng pacontest ni Mayor Power Mac. 



Biglang sumigaw ang dwende sa loob ko na nyeta ka ang dami mong arte! Dali-dali akong kumuha ng ballpen at ayun bigla na lang ako nakapag sulat. Tamang-tama rin na may artistahin akong kasama sa bahay na mahilig sa mga istoryang kinukwento ko (martin rules) kaya may instant akong super star. In 3 hours, natapos namin ang video sa tulong ng aking iphone 5s at macbook pro (not sponsored haha). Nakakatawa nga na habang sinesend ko ang entry ay parang mas excited pa si martin sa akin. Nung gabi din na iyon, naalala kong tumawag pa ako sa english expert kong kaibigan na si Gladish. Hindi kasi ako magaling sa english at paggawa ng synopsis so siya na pinagawa ko. Dahil mabagal siya magreply, nauwi ang log line ko sa ganito:



Nyeta diba? Gayunpaman, masaya ako na out of almost 200 (so siguro mga 198 ganyan) na nag-submit, nakapasok ako sa top 20.

look Ma! Pa! That's Me!

Hindi man nila ako mapili sa top 10, bahala sila diyan! Iiyak talaga ako. Please naman! Haha! Basta naniniwala ako na darating din yung oras ko. Kung di man dumating at mamatay ako bigla, putsa magmumulto talaga ako, yung tipo ng mumu na pagmumulan ng maraming horror stories. So kung ayaw niyong multuhin ko kayo, tulungan niyo naman akong makapunta ng Batanes. I-share and lagyan niyo naman ng reaction yung video ko sa facebook. Kahit angry ok lang! Seryoso ako guysh! Mumultuhin ko talaga kayo. 

Japhet

2 comments:

  1. ipagpatuloy mo yan jhon japhet. pagpunta mo dito,ililibre tlga kita ng sangkaterbang charsiew wantan mee!!haha!miss you!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oi ah promise mo yang sangikaterbang charsiew kukurikapoo ah! BABALIK TALAGA AKO DIYAN WAIT LUNGS!

      Delete

Instagram