Hi Guysh! Kahapon naisipan kong mag take ng aking break from editing videos (oo may trabaho ako nyeta kayo) kasi naisip ko linggo and I want to explore kaso mainit, malagkit, mausok nakakadiri ang ang kalsada (wow) so nag-isip ulit ako. Biglang naalala ko na shet may GC pa pala ako sa Wilcon Depot at kailangan ko ng maayos na patungan ng mini-ref ko dahil ilang pagtalon na lang ng aso kong si Mimi eh guguho na yun, so walang alarm-alarm kasama ang peymowz blogger na si Martin Rules ay nagpalibre ako sa kaniya ng uber and off we go sa pinaka-malapit na Wilcon Depot.
Bilang taong mahilig kumain, napukaw agad ang aking atensyon ng kainan sa loob ng Wilcon Depot. Yes potcha meron! Gustong-gusto ko na kasi mag-kape dahil may isang linggo na rin akong walang maayos na tulog pero tinabla ako ni Martin so nag-ikot-ikot na kami sa loob. Kung pwede lang iuwi yung buong Wilcon siguro naiuwi ko na dahil sobrang tuwang-tuwa ako sa mga nakita ko. Kahit yung kutsilyo na maliit shet naglalaway talaga ako kahit nakakaiyak yung presyo. Bilang 2k lang ang laman ng GC at kailangang-kailangan ko talaga ng bagong patungan ng mini-ref ko, wala akong choice kundi bumili ng rice cooker. OO rice cooker! Wala akong choice dahil yung gusto kong patungan ay nagkakahalaga ng 6,000 pesos. Pakiramdam ko na-violate ang human rights ko nung makita ko yung price tag.
Pagkatapos nun nag-moved on na agad ako at pumunta sa pinaka-malapit na makakainan. Sa loob ng Wilcon Depot (ilang beses ko na sinabi), meron kainan na ang name ay Urban Cafe. Nag-seserve sila ng Crocodile Meat na according kay ate gurl ay sobrang sarap daw. Hindi ako agad-agad naniwala, sabi ko sakaniya, hindi niya ako madadaan agad-agad sa sales talk niyang ganiyan. Ilang saglit lang bumili ako ng Crocodile Sisig. Sa totoo lang medyo nagu-guilty ako kasi sa totoong buhay, silang mga buwaya ang dapat kumakain sa atin para mabawasan ang ating population dahil ang sikip-sikip na ng Pilipinas at para mapangalagaan na rin ang kalikasan (because human trace can kill a race. Pakak)
Ilang saglit pa sinerve na ni ate gurl ang buwaya na ngayon ay sisig na. Medyo nag-aalangan ako kainin. Tumatakbo sa isip ko yung mga documentaries na napapanood ko na ini-slaughter yung mga hayop for fucking human consumption. Medyo hilo-hilo pa ako pero sinubo ko ang isang kutsarang sisig buwaya. Parang pork yung texture niya pero chicken ang lasa. Kumatas ang spices sa dila ko. Sumabog ang nag-uumapaw na lasa ng paminta sa loob ng aking bibig. Oooooohhh! Napa-ungol ako nang bahagya. Sinubukan kong pigilin ang aking sarili na huwag sabihing masarap ito, para sa mga buwaya, pero hindi ko nagawa.
Masayang-masaya si ate gurl at ang kaniyang cook na napakain nila ako ng buwaya. Binalaan ko pa naman siya na kapag hindi masarap ang croc sisig, ibig sabihin, pinahirapan nila ang buwaya, pero masarap talaga. Mainit siya sa katawan pero nakakabawas ng pagkatao. Inisip ko na lang atleast hindi ako kagaya ng iba na necessity ang rason kung bakit sila pinapaslang. Atleast ako need ko kumain yun nga lang nagkataong buwaya ang nakahain. Wah mali parin tangina! Cheret! Anyway ate gurl, hindi masarap yung carrot cake niyo at orange muffin! Masyado dry! Pero I love your Caramel "Pakarat" Ice Coffee - hindi ko alam tawag eh basta super sarap. :D
Ayoko na nga ituloy, kung ano-ano na pinagsasabi ko.
PS
Huwag natin i-compare ang mga buwaya sa mga gov't officials. Mas masarap sila at kapaki-pakinabang kaysa sa mga hitad na yun. Bow! Byeeeee!
PS
Huwag natin i-compare ang mga buwaya sa mga gov't officials. Mas masarap sila at kapaki-pakinabang kaysa sa mga hitad na yun. Bow! Byeeeee!
No comments:
Post a Comment