Punching Bag

https://www.youtube.com/watch?v=83TDNOkQa-U
Siguro, ang basehan ng pagiging lalaki ng mga kamag-anak ko noon ay ang galing ng isang tao makipag-suntukan at ipagtanggol ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng dahas. Noong bata pa kasi ako, nahuli nila ako na sumisigaw sa loob ng aming bakuran at isa-isang isinusumpa ang aking mga kalaro. "Mamamatay kayong lahat kasama ang mga nanay at tatay niyo!" sigaw ko habang tumutulo ang luha sa aking mga mata. Kulang na nga lang noon eh mga effects ng kulog at kidlat, siguro'y mas feel na feel ko na ang moment, pero walang ganun. Kinuha ako ni papa at kinausap. Sabi niya, that's not a very manly thing to do hijo (hindi talaga english pero feel ko eh bakit ba?). Ora mismo, kumuha siya ng lumang maong at pinunuo niya ang isang legs ng kung ano-anong bagay hanggang sa mag-mukha itong punching bag. Ang turo niya, kailangan daw maipagtanggol ko ang aking sarili. Matuto raw ako lumaban, makipag-suntukan at huwag urungan ang ano mang laban ng buhay - feel ko lang talaga isama to hihi! May pagbabanta niya pang sinabi na hindi ako pwedeng mag-laro sa labas hangga't hindi bumabagsak ang punching bag. Tang ina! Hindi pwede ito! Paano ako gaganti sa mga kalaro kong mukhang gurang kung wala akong update sa mga nangyayari sa outside world? Anong manyayari sa kinupit kong isang daan na ibinaon ko sa isa sa mga paso ni Aling Acosta? Paano kung ma-discover niya ito? Paano na ang reputasyon ko sa labas?

Sinubukan kong suntukin ang punching bag. Masakit nyeta! Hindi ito basta-basta punching bag, feeling ko may kung anong nilagay dito si papa para mas mahirapan akong suntukin ito.

"Lakasan mo, pano babagsak yan?"

Sinuntok ko nang pa ulit-ulit ang punching bag hanggang sa syet, dudugo na ata ang fist ko! Saglit na umalis si papa sa kwarto kaya nakapag-pahinga ako. Inisip ko kung paano ko mapapabagsak ang punyetang punching bag na ito. Nagtangka akong guntingin ito pero hindi pwede, mahahalata niya ang scissor mark so umisip pa ako ng ibang paraan. Kailangan hindi obvious. Kailangan parang as if pagkasuntok ko eh makikita talaga nilang bumagsak ito.

Pinaikot-ikot ko ang punching bag na nakatali sa cheap na rope. Paikot-ikot ito hanggang sa nakikita kong isa-isang napuputol ang punyetang components ng rope. Biglang pumasok ang tita kong mangkukulam para kumuha ng malamig na tubig sa ref, bigla ko rin sinuntok ang punching bag like as if I'm really doing it. Haha! Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ng tita kong mangkukulam, basta bigla siyang tumawa at umalis. Ipinagpatuloy ko ang pag-papaikot sa punching bag. Konting ikot pa at bibigay na ito pero hindi pwedeng ganun kabilis. Hinintay kong pumasok si papa para mag-pakitang gilas. Suntok suntok ako with conviction at may sound effects pa. Ugh! Wooh! Hah! Aw!

"Huwag mong paikutin kapag sinusuntok mo at baka mapatid yung tali"

Kinabahan ako ng bahagya dahil nakikita ko na ilang kembot na lang ay bibigay na ang punching bag. Shit! Kailangan to the highest level ang punch ko kapag pumatid yung punyetang rope. Isang suntok na malakas, punyeta hindi napatid. Ilang suntok na sweet barbie at isang major punch at ayun, bumagsak ang damuhong punching bag. Naka-pose pa ako at nakatungo ang ulo nang mag-slow motion ang lahat at dahan-dahang bumagsak sa sahig ang puking punching bag. Tumayo si papa at tinignan ang rope.

"Parang pina-ikot-ikot mo lang eh"

Sabay tali ng punching bag sa bagong rope.

Japhet

No comments:

Post a Comment

Instagram