Minsan lang ako mahumaling sa isang produkto at kapag nangyari yun masasabi kong isa ako sa mga magiging loyal customer ng produktong yun. Wala pong brand deal sa post na ito, sadyang may punto lang talaga sa buhay ko na gusto ko ishare sa inyo ang mga bagay na kinaka-adikan ko. Wala naman sigurong masama kasi blog ko naman to. Haha! At kung tutuusin wala naman sigurong paki ang mega-heavy-giant-corporation sa mga sasabihin ko so kebs na.
One time kasi bumili ako ng sabong panlaba sa Robinsons Galleria. Ewan ko ba kung bakit ko doon naisipang mamili ng panlaba eh taga Makati ako. Ang usual na brand ng sabong panlaba na binibili ko eh yung S____, pero sa paglaon ng panahon eh medyo nagmahal sila. Tapos napansin ko pa nung gumagamit na ako ng automatic na washing machine (kailangan talaga maisingit ko yan kasi pinaghirapan ko bilihin yun ano) ay parang totoo nga ang sinasabi ng other brands tungkol sa chalk. Andaming natitirang gramo sa lagayan ng sabon sa automatic washing machine ko (shit! I love saying that). So, I decided na magpalit ng brand. Pinili ko yung brand na inendorse ni Aling Susan Roces. Haha! Ang judgemental ng commercial na yun pero may bayag kaya go ako. Namimili pa ako sa ibat-ibang variants nila nung time na iyon pero may kung ano sa Violet na color na bigla ko siyang dinakma at nilagay sa cart ko. Sa totoo lang nauna ko kasing kunin yung Violet na Zonrox tapos naisipan kong cute kapag terno kaya Violet na rin ang kinuha ko.
Fast forward sa bahay, sinalang ko na ang mga marurumi kong labahan sa aking automatic washing machine (SYET!) at naglaba. The usual lang naman ang ginawa ko, naglagay ng labahan, naglagay ng sabon tapos naghintay. The moment na tumunog na yung alarm nagmadali ako bumaba para hanguin na yung mga nalabhan. Pagka-bukas na pagka-bukas ko ng automatic washing machine ko, grabe, nabighani ako sa amoy ng Champion Sunny Fresh! Wala akong fab-con na nailagay pero putcha akala mo meron. Para akong nasa garden na maraming bulaklak sa bango. Naisipan kong labhan pati kobre kama at kumot ko kahit di pa madumi at iba talaga ang amoy! Nakatulog ako ng masarap dahil sa bango. Napanis ang ibang mga mamahaling brands sa sabon ni Aling Susan Roces.
Sumunod na linggo, medyo na excite ako na mag-grocery dahil I'm really looking forward na mabili ang sabon na yun. Pumunta ako sa SM Aura bilang isa iyon sa mga pinakamalalapit na malls sa amin. Sa kamalas-malasan wala ang Champion Sunny Fresh doon. Sinubukan ko pumunta ng Market-Market pero tadhana nga naman at wala rin ang detergent na gusto ko. Lumipas ang ilang araw na nagtitiis ako sa ibat-ibang variants ng Champion Detergent at HINDI AKO MASAYA. Sinubukan kong bumalik sa Robinsons Galleria pero naglaho na siya. Pinatos ko na ang dalawang supermarket sa Guadalupe pero anak ng tokwang buhay ito, wala talaga. Ang meron lang ay yung tingi-tingi na sigurado naman akong lugi ako.
Hanggang ngayon, hinahanap-hanap ko parin ang Champion Sunny Fresh na yan. Hindi ako makapag-hintay ng susunod na grocery schedule ko para makabili nito, pero para akong humihiling sa hangin kapag sinabi kong "Sana, sa susunod kong pagbili ay naroon na siya".
Siguro ang pagkahumaling kong ito ay isa sa mga signs ng maturity. Hindi ko alam kung ako lang ba o may ilan ding mga Millennials na gaya ko ang dumadaan sa ganitong pagsubok sa buhay. Ang alam ko lang ngayon, ay habang wala pa siya, kakayanin ko.
***UPDATE 07/01
AYOKO NA SA CHAMPION! Why? Read this: https://www.facebook.com/277338079114649/posts/1284875675027546?s=100005866144906&sfns=mo
#BoycottPEPMACOProducts #PEPMACOStrike #StandWithPEPMACOWorkers
AYOKO NA SA CHAMPION! Why? Read this: https://www.facebook.com/277338079114649/posts/1284875675027546?s=100005866144906&sfns=mo
#BoycottPEPMACOProducts #PEPMACOStrike #StandWithPEPMACOWorkers
No comments:
Post a Comment