Kung merong world record sa pinaka mahabang panahon na pakikipagusap ng pasigaw, I’m sure maaawardan ng plaque itong kapitbahay ko. Ever since bata ako ganiyan na sila, naka-dalawa o tatlong henerasyon na siguro sa pamilya nila pero ganiyan pa rin sila. Minsan nga iniisip ko, hindi ba sila nagkakaroon ng sakit sa lalamunan? Sila ang alarm clock ko sa umaga. Pagpatak pa lang ng 7AM dilat na ang mga mata ko sa pagsita ni aling B sa panghi ng pader nila, kalat na ginawa ng aso nila, basang mga tsinelas atbp. Ibang klase rin ang anak niyang si D, dahil kapag patak ng 8AM eh pinapaliguan na niya ang isa sa kaniyang mga anak na isa ring may speaker sa larynx. Minsan ko na nga silang nasabihan pero mukhang ganun na talaga sila, kaya ini-enjoy ko na lang. Iniisip ko na lang na nakikinig ako ng radio drama kung saan bukas eh aabangan ko kung ano nanaman ang sisitahin ni aling B at paano sasawayin ni D ang kaniyang anak para mapaliguan. May mga supporting characters din na hindi magpapatalo sa award dahil iba ang level ng decibel impact. Sa sobrang aliw ko nga minsan ay sinasabayan ko na sila ng pagkanta gamit ang napaka (ehem) ganda kong tinig. Pag sapit ng 530PM, nag-iiba na ang programang hatid ng kapitbahay, lumilipat ang channel sa bandang harap ng bahay malapit sa gate. Chikka minute si Aling B kasama ang mga chumards at chupards ng asawa niya. Minsan usapang kuto, kabit ng asawa ni ganito, pampahaba ng buhok, bahay na binenta, minsan may obituary pa! Kung nagblog nga ang mga ito feeling ko isa sila sa mga top bloggers ngayon. Simula ng mag work, madalas naabutan ko sila Aling B and family tree sa labas ng bahay nila kapag nauwi ako. Minsan nagchichikahan lang sila habang kumakain ng tinapay pero madalas nagkukutuhan. Nakakatuwa silang panoorin kasi feeling ko nanunuod ako ng Philippine version ng Keeping Up with the Kardashian. Iniisip ko napaka payapa siguro ng buhay kung wala sila pero that wouldn’t make life interesting. Haha!
Popular Posts
-
When I think of that room, I always think of my enemies head. I picture cracking their lovely skull, unspooling their brain. Trying to g...
-
If you are on a tight schedule but wants to enjoy Langkawi for a day, I have prepared to you an itinerary that may help. Langkawi is an ...
-
It was Thursday night when all of us craved for some side tripping around Mandaluyong. And when I say side tripping, it means FOOD! Y...
-
There are days when you wonder what it’s like to be with the Gods. I want to attain a certain ethereal feeling but paradoxically I don’...
-
I'm the kind of person who easily gets tired of routines. I feel like I am being boxed so I keep on looking for variety. I keep on t...
-
Nakakapagod, gusto ko na agad matapos yung pelikulang pinapanood ko. Kung puwede lang mag-walk out sa loob ng sinehan ginawa ko na kaya ...
-
Minsan na akong nagtaka paano sa isang iglap eh nagiging bastos ang usapan, lalo na kapag kaibigan mong matalik ang kausap mo. Isang h...
-
Sa mga hindi nakakaalam ng family tree ko, meron akong kapatid na ang tawag ko ay Dech. Hindi kasi ako aware na ang great grand mother k...
ARCHIVE
-
▼
2018
(31)
-
▼
January
(13)
- Duck Walk
- Manananggal si Mama
- Trust Issues | Kung paano nasira ang aming muwang ...
- May Mangkukulam akong Tita!
- Magaling Mang-inis ang Universe
- Dear Watsons Philippines
- Salaming Nagsisinungaling
- Back Pain
- Problema sa Kapitbahay
- Kasal na si Dech
- POST UNEMPLOYMENT DILEMMA
- OFFICEMATES
- A DETERGENT SOAP STORY!
-
▼
January
(13)
pangalanan na yan! hahahaha. sigawan mo si D, hoy bilat! tumahimik ka 😂
ReplyDeleteBakit ang sama po ng ugali mo po? Good person po ako po bahog bilat!
Delete