Ang Manananggal kong Ina at tiyanak na si Dech. Yung maputing cute na baby na mukhang anak ng Afam ako yun, well. |
Kung kinilabutan kayo sa kwento ko tungkol sa tunay na anyo ng aking Tita, feeling ko mas tatayo ang balahibo niyo sa susunod kong kwento. Bilang buhay pa naman ako matapos niyong mabasa ang nakaraang blog post, hindi na ako magdadalawang isip pa para isiwalat ang sikreto ng pamilya namin. To be more specific, ang sikreto sa likod ng aking manananggal na ina.
Noong bata ako, naalala ko kung paano ako takutin ni mama para lang matulog. Ang ginagawa niya, tinatanggal niya ang kaniyang pustiso at sa isang iglap ay nagigi-siyang halimaw sa aking paningin. Tandang-tanda ko pa kung paano ako nag-ala Kris Aquino na hinahabol ni Lilia Cuntapay sa Pelikulang Shake Rattle and Roll na movie nang minsan niya akong takutin. Nagtago ako noon sa cabinet at kung hindi ako nagkakamali, kasama ko sa traumatic experience na ito ang kapatid ko na si +Clarissa aka www.clumsyclariss.com (FREE PLUG). Akala ko ito ay isa lang sa mga scare tactics niya para turuan kami ng leksiyon. Ang di ko alam, isa na pala ito sa mga signs para isiwalat niya sa amin ang kaniyang tunay na anyo.
Si mama ang panganay sa kanilang mga magkakapatid. Palagi niya sa aking proud na kinukuwento kung gaano siya laging lumiliban sa klase para mamimitas ng bulaklak at mag YOLO sa kanilang baryo. Si mama nga pala ang kauna-unahang YOLO girl mula sa Gumaca Quezon. Yan ang naisip kong call sign niya kapag pumasok siya ng Bahay ni Kuya, pero hindi ito nangyari. Minsan nga akong nakakita ng class picture niya noong grade school na hindi naman nakakapagtaka kung bakit siya wala, that is because I'm 100% sure na she's YOLOing with her kagubatan friends. Dahil sa kaniyang YOLO attitude, ilang beses si mama muntik ng mapaslang ni lolo. Gamit ang aking galing sa pagresearch ay natuklasan kong gumagamit siya ng kaniyang kapangyarihan para makapagtago. Ayon sa kuwento ni Lola Rapunzel, madalas daw na nawawala si mama at bigla nalang nakikitang nasa bayan o di kaya ay nasa taas ng puno. Hindi ko alam kung alam na ba ni lola rapunzel ang tungkol sa mga anyo ng kaniyang mga babaeng anak pero I'm sure minamarapat na lang niyang huwag itong ihayag para sa kanilang kapakanan.
NOTE: Guysh ginagawa ko lang ito para malaman ng mga susunod na henerasyon ng pamilya namin ang katotohanan, don't judge me. I'd rather have an aswang, tikbalang, shokoy, sirena, kapre and mangkukulam in the family than spiderman, batman, Jedi ek ek and whatever man!
Lumipas ang maraming taon at naisipan kong bumukod sa haligi ng aking ina. Sa isip ko, hindi rin naman siya madalas nauwi at alam ko rin naman na sa edad niyang iyon ay kailangan niya na rin ng privacy. Sa limang taong naka-bukod ako kay mama, napansin ko na may kakaiba sa kaniya. Dahil sa advent of technology (FACEBOOK whatever!) napansin ko lalo na mas napapadalas siyang napupunta sa ibat-ibang lugar sa maikling panahon, which I know hindi nagagawa ng mga normal. Napansin ko na ito nung bata ako dahil hindi ko maintindihan paano siya naging rescuer, nanay, estudyante, at entrepreneur ng ibat-ibang networking groups with power to 10th level. Akala ko sadyang magaling lang siya mag multi-task pero nagkamali ako. Napag-alaman kong may kakayahan si Mama na hatiin ang kaniyang katawan. Oo tama ang iniisip mo, gaya ng isang manananggal, dahil isa siya sa mga ito. Nung una ay hindi ko matanggap na maging isang anak ng manananggal pero Nanay ko siya at mahal ko siya no matter what they tell me, no matter what they say.
Kaya pala madalas wala si Mama tuwing gabi noong bata pa ako ay dahil marahil, kumakain siya ng mga yumao nilang narerescue. Kung paano siya nakakapunta sa isang location ng buo ang katawan ay marahil may reserba siyang kalahating katawan sa ibat-ibang sulok ng Pilipinas. Kapag inistalk niyo ang nanay ko (at your own risk) mapapansin niyong nalibot na ata niya ang buong Pilipinas maging ang ilang lupalop ng Asia.
Hindi ko alam kung ano ang magiging tingin ng mga tao kay mama matapos mabasa ng mga commoners ang post ko na ito. Aswang man o manananggal ay naging mabuting mamayan si Mama ng bansa. Madami siyang naiambag sa lipunan di gaya ng iba diyan pero marahil dahil sa kaniyang anyo ay itatakwil parin siya ng ilang mangmang na mamayang millennials. Sana dumating ang panahon na yakapin ng mga Pilipino ang lahing aswang. Naniniwala kasi ako na dito naka-ugat ang ilan sa mga hindi matatawarang istorya na sa ating bansa lang matatagpuan.

No comments:
Post a Comment