Duck Walk

Wala ako dito kasi am peymus
Kung isa ka sa mga Mamayang Millennials na nakatungtong sa mataas na paaralan kung saan ako nanggaling, I'm sure makaka-relate ka dito. Pero kung never ka na-late dahil pa-bibo kang estudyante, ang KJ mo shit ka! I'd like to share to you guysh a story that shaped a generation of millennials.  A story about pain and agony. 

Ito

ang

DuckWalk

sa Oval! val! val! val! val!... ang corny shet!

Yes, you've read it right! Isang araw kasi, naisipan ng mga teachers namin noong highschool na magbigay ng di malilimutang parusa para sa mga dumadaming bilang ng  late students. Sa kasamaang palad, isa ako sa mga estudyanteng na-apektuhan. Ang flag ceremony kasi sa amin ay usually nagsisimula ng 5:30 AM (syet hindi ako sure). Suwerte ka kapag nakarating ka na nagpapanatang makabayan pa lang dahil ibig sabihin hindi ka pa late. Pero kapag nagsimula ng magsipasukan ng nakapila ang mga estudyante ay kabahan ka na. Well, hindi naman sa pagmamayabang pero nasa higher section ako noong HighSchool kaya nauuna lagi ang section namin na pumasok sa loob, at malaking disadvantage siya para sa akin na laging nali-late. Gayunpaman, nakagawian ko na makipagkaibigan sa mga lower sections (wazzup) kaya kapag nakapasok na ang section namin ay nagagawan ko lagi ng paraan. Kaso, dumating ang araw na OA na ang pagka-late ko at hindi ako handa sa mga sumunod na pangyayari. Isa-isa kaming pinapila sa harap ng Oval (Oo! OLYPMPIC SIZE OVAL TANGINA) na punong-puno pa noon ng mga damo at talahib at saka pina-upo. Ang instructions, kailangan daw namin mag DUCK WALK pa-ikot sa kalahati ng puking inang olypmpic size oval na iyon. Hindi naman ako pressured dahil madami kaming sisintensyahan at kalahati lang naman yun ng olympic size oval hello! Ang masakit lang talaga sa loob ko eh yung fact na wala ni isa sa section namin ang present sa mga oras na iyon. Nagdadasal ako na wag sanang sumilip ang adviser ko dahil putcha nakakahiya talaga. 

Ang duck walk ay isang form of torture exercise kung saan maglalakad ka ng naka-squat, minsan nakalagay ang iyong mga kamay sa likod ng iyong ulo pero para kami ay parusahan sa amin, naisipan nilang ipayakap ang aming mga braso sa aming mga punyetang tuhod. Sa isip ko noong mga panahong iyon ay sisiw ito para sa fit and super hot na katulad ko, pero matapos kong maabot ang 5 feet ay plano ko ng ipatorjak ang mga teachers na nagpagawa sa amin nito. Kulang na lang ay isangla ko ang kaluluwa ko kay satanas para makaalis sa duck walk trail. Parang may biglang lalabas na malaking kapre sa loob ng mga hita ko. Unti-unti kong nararamdaman na napupunit ang mga virgin kong muscles. Wala pa sa kalahati ay parang susuko na ako pero may nakita akong classmate na magsisimula palang mag-duck walk. Sobrang saya sa feeling na makakita ng kadamay at kasama mong mag-eexplain kung bakit mali-late ka sa first subject, pero wala akong paki-alam sa kaniya dahil tangina kaniya-kaniya na ito. Minabuti kong madaliin ang pag-duck walk para makaalis sa trail na hindi niya nakikita. Tiniis ko ang sakit, hapdi, at pawis para lang hindi niya maabutan. Pagkatapos ng Duck Walk, nagawa pa ng teacher na sabihing wag na kami ulit malilate sabay kultap sa mala-pubic hair kong patilya dahil mahaba na raw. Akala ko pa naman ay makakarating ako sa classroom na walang mantsa ng punishment. 

Kinabukasan, minabuti kong hindi pumasok. 

Japhet

No comments:

Post a Comment

Instagram