Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin oras na malaman ng tita ko na isinawalat ko na ang kaniyang totoong anyo. Guysh! Kung hindi man ako makapag-sulat ng bagong entry sa mga susunod na araw, alam niyo na kung anong nangyari sa akin. Sana ay huwag niyong husgahan ang tita ko. Sadyang ayaw niya lang talagang pinaguusapan.
Lumaki ang Tita ko sa pangangalaga ng aking butihing lola na itago na lang natin sa pangalang Lola Rapunzel. Siya ang bunso sa kanilang pitong magkakapatid. Hindi gaya ng ibang bunso (tulad ko) sa Pilipinas na ginagawang utusan, taga-bili, at kung ano-ano pang pang-aalipusta, ang pagpapalaki sa aking tita ay kakaiba. Siya ang prinsesa ng Lola Rapunzel at kaniyang mga kapatid. Minsan ngang naikuwento ng aking ina sa akin, na si Tita ang paborito ng Lolo, at ngayon ko lang narealize kung bakit. May kakaiba at itinatagong kapangyarihan ang aking tita na sa buong pamilya ay siya lang ang nakakagawa. Itatago ko ang aking tita sa pangalang, Luningning.
Si Tita Luningning ang isa sa mga tita ko na nagpalaki sa akin. Nasubaybayan ko ang mga ginagawa niya sa tuwing nagkakalagnat siya at biglang naghuhukay sa likod ng bahay dahil daw may nakalibing doong ginto pati na rin ang pagkatalo niya sa Miss South Cembo na nagmulat sa akin ng salitang Luto ang Labanan. Hindi ko alam noong mga panahon na iyon na ang nasasaksihan ko pala ay isang proseso na maglalagay sa kaniya sa katayuan niya ngayon bilang isang mangkukulam.
Natuklasan ko ang lahat nang minsan niya akong imbitahin sa kaniyang bahay para magpa-litrato. Nang babayaran na niya ang aking serbisyo ay pinapasok niya ako sa isang nakapangingilabot na kuwartong punong-puno ng kaniyang hindi maipaliwanag na koleksiyon. Isang kwartong nababalot ng makukulay na bagay na may itinatagong kadiliman. Nangongolekta siya ng mga barbie at iba pang manika na may mga matang susundan ka saan ka man naroroon sa loob ng kuwarto. Mayroon din siyang malalaking sinulid na malamang sa malamang ay ginagamit niya upang makapanakit ng mga taong nanghuhusga sa kaniya, nangungutang, at minsan ay sinasabihan siyang langaw (That's a different story).
Noon ngang nakaraan Year End Party nila ay nabalitaan kong nagsa- anyong pusa daw ang aking tita. May mga patotoong picture na kumakalat sa facebook, kayo na ang humusga.
Noon ngang nakaraan Year End Party nila ay nabalitaan kong nagsa- anyong pusa daw ang aking tita. May mga patotoong picture na kumakalat sa facebook, kayo na ang humusga.
Hindi ba't nakakatakot talaga? |
Habang sinusulat ko ang post na ito ay nag-message siya sa akin ng mga damit na tinahi niya para sa kaniyang mga barbie. Guysh! Kinikilabutan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga susunod na araw pero lalakasan ko ang loob ko para lang ihayag ang katotohanan. Ayoko ng barbie, ew!
No comments:
Post a Comment