Magaling Mang-inis ang Universe


japhetonthego

Have you ever experience rushing your way to work just to get in time? Lahat naman siguro tayo na-experience yan. Ang di ko lang talaga matanggap eh yung mga pagkakataong trip kang pag-tripan ng Universe. Kahapon kasi, may sobrang kakaibang nangyari sa akin. Gumising ako ng maaga para kumain at gumawa ng vlog (Hi Guysh, pluweesh vhishit mah Vlog www.youtube.com/juanhapito), oo ganun kalala ang mga pangangailangan ko kaya nagsisipag ako. Usually, 2 hours lang ang tinatagal ko dito kaya laking gulat ko na pag-tingin ko sa orasan ay 9:30AM na. Kapag kasi pumatak ang 10:31 sa office namin LATE KA NA at hindi pa ako naliligo at nag-aalmusal. Di naman ako ganung nag-worry kasi 5 minutes walk lang naman eh office na namin (I know right, I love my life). So dahil kampante ako, naisipan ko na mag-chill, mag-almusal, at maligo. Again, nagulat na lang ako pagkatapos ng lahat ay 10:15 na. Kumaripas ako ng takbo sa kwarto at nagbihis. Feeling ko nga walang 3 minutes bihis na ako pero pagtingin ko sa relo, 10:25 AM na! Tangina, ang bilis ng kabog ng puso ko. Ayokong ma-late sa office dahil bukod sa masisira ko ang napaka-ganda kong attendance record eh nakakahiya sa HR ko na malaman niyang late ako, to think na ilang tumbling lang ang bahay ko sa opisina. Pag-labas ko sa gate, tumawag agad ako ng tricycle dahil sa puntong ito eh every second counts na ang labanan. Ang estimate ko within 2-3 minutes naka log in na ako, pero sadyang mapag-biro ang universe. 10:28 AM na pero nasa loob pa rin ako ng tricycle at minumura sa loob ko ang hitad na ice cream truck sa di kalayuang elementary school na nakaharang sa daan. Dinamay ko na rin sa mga minumura ko ang mga politikong nangungurakot kaya hindi nag-improve ang dati na masikip na daan. Damay-damay na kaya sinama ko na rin ang mga unlimited na tricycle na bigla na lang nagsulputan sa area namin, na madami rin namang natulungang mamayan sa aming distrito, pero shit pa rin ang dami nila. 10:29 AM at minabuti ko na tumakbo na lang dahil natatanaw ko nanaman ang office. Bumulwak ang pawis sa buo kong katawan hanggang sa maka-pasok na ako sa loob ng opisina. Ang shocking dito, 10:27 AM pa lang. Nakalimutan kong advance pala ang relo ko. Paksyet!

Japhet

No comments:

Post a Comment

Instagram