Isa sa mga dahilan kung bakit hirap ako mag-tiwala basta-basta sa mga tao ay dahil sa ginawa ng tito ko sa aming dalawa ng kapatid kong si dech. Itago na lang natin ang tito ko sa pangalang Tito Vamoy. Siya ang isa sa mga taong tinitingala namin na sumira ng aming pagtitiwala. Tandang tanda ko pa kung gaano kataas ang lagnat ni Dech noon (madalas siya lagnatin dahil lampayatot siya) at dahil presko sa taas kung saan nag-aaral si Tito Vamoy ay doon muna kami nag-stay. Laging inaasar ni Tito Vamoy si Dech dahil sa nakakatawa at mala-pucca nitong itsura. Kung di mo kilala si Pucca igoogle mo. Siya yung chinese na mukhang siopao na hawig ni chinchan. Pero hindi iyon ang pang asar sa kaniya ni tito. Lagi nitong tinutukso si Dech na pango dahil kumpara sa ilong niya na parang sa bumbay ay talaga namang parang magkaaway ang dalawang pisngi ng ilong ni Dech
Isa pa sa mga hindi matatawarang kasamaan na ginawa sa akin ni tito ay noong minsang kumakain kami ng santol at nalunok ko ang buto. Hindi alam ng inosente kong pag-iisip kung ano ang gagawin kaya madali niyang naisakatuparan ang kaniyang maitim na binabalak. Sinabi niya sa akin na tutubo ang santol sa aking ulo hanggang sa tuluyan na akong maging isang puno. Isang buong linggo kong sinubukang ilabas ang santol. Isang linggong ginalugad ko aking tae sa toilet pero ni minsan ay hindi ko ito nakita. Isang linggo ako nagplano kung ano ang gagawin kapag nagsimula na tumubo ang mga dahon at ugat sa aking katawan. Isang linggo akong nag-mukhang tanga dahil sa kasamaan ni tito vamoy.
Simula noon, hindi na agad ako basta-basta naniniwala...
...at hindi gumaling si dech.
kaya ka hindi nagkakajowa kasi lolokohin ka lang nila. isang malaking prank kung magkaron ka ng jowa! 😂
ReplyDeleteHAYUF ka! Gusto mo mawalan ng juwa? hahaha!
Delete