Hindi ko alam kung anong malaking kasalanan ko sa katawan kong ito at O.A. kung sumakit ang likod ko. Minsan iniisip ko kung baka nagwowork out ako kapag tulog at bakit sa tuwing paggising ko eh hindi ako mag-kandaugaga sa sakit. Hindi naman din gumaganda ang katawan ko so negative na agad ang teoryang yan.
Naalala ko tuloy yung magazine na binili ng nanay ko noong highschool ako kung saan may isang article about sa back pain. Hindi dahil sa pag-sleep workout (if there's such thing) ang dahilan. Tangina, putsa anak ng tinapa, kung totoo man yun, hanggang ngayon eh natatakot pa rin ako. Yung article kasing yun may letter sender kunwari ang pakulo. Ang story ay kagaya sa nararamdaman ko. Nagpacheck up na daw siya sa doctor at kung ano-anong therapy ang pinagawa sa kaniya pero wala namang nangyari. Isang araw daw habang naglalakad siya eh may nakapansin sa kaniyang matanda at tinawag siya. Sabi sa kaniya ng matanda, may sumama daw sa kaniyang bata na nakapasan sa balikat niya. Nung una raw ay hindi siya naniniwala at binigyan ng sampung piso ang matanda dahil mukha itong pulubi, pero sobrang nag-sync daw sa isip niya ang mga sinabi nito. Kinagabihan bago siya matulog ay naisipan niyang magsalita na lang, "Baba ka muna, ang sakit na ng likod ko eh". Laking gulat niya daw ng biglang gumaan ang kaniyang pakiramdam. Dali-dali siyang nag-unat at tumakbo palabas ng bahay, pero ilang saglit lang ay naramdaman niyang muli ang pagbigat ng kaniyang likuran. Minabuti ni letter sender na magpatingin sa albularyo at dun niya nalaman na may bata nga na sumampa sa kaniyang likuran na nagko-cause ng kaniyang back pain.
Highschool din ata ako nung ang puking inang Thailand film na shutter eh binuhay ang mga dating imahe na nasa imaginations ko lang. Buti na lang chaka ang execution ng film kaya hindi siya masyadong tumatak sa akin. Siguro mga 1 week lang, or 2 mga ganyan para masaya ka na.
Hindi naman sa sobrang natatakot ako pero kapag sumasakit ang likod ko at naiisip ko yun, santa maria ina ng awa hinding hindi ako mag-iisa sa CR.
No comments:
Post a Comment