2 years! 2 years akong walang trabaho simula nang maisipan kong tuparin ang life goals ko na by the age of 25 dapat unemployed na ako at rockstar in my own ways. Sa loob ng dalawang taon na iyon, roller coaster ang buhay ko. May panahong feeling ko ang yaman-yaman ko at bili ako nang bili ng kung ano-ano at may mga panahon namang kulang na lang ay mag-benta ako ng kidney para makabayad ng mga bills. Sa loob ng dalawang taon na yun, proud naman ako na wala ako natanggap na disconnection notice dahil plakado ang pagbabayad ko AHEM! Pero pagkatapos ata ng dalawang taon eh nakalimutan ko na kung paano makipag usap sa tao.
Napansin ko na after two years para akong naging isang philosopher dahil sa kung ano-ano ang nasasabi ko sa mga kausap ko. Halimbawa:
TAO: Jap san masarap kumain?
JAPHET: Minsan ang batayan ng sarap ng pagkain ay naka-depende sa mga kasama mo.
JAPHET: Minsan ang batayan ng sarap ng pagkain ay naka-depende sa mga kasama mo.
TAO: Kahit Tae yung ulam?
TAO: Natatakot kasi ako dumaan dun baka maholdap ako
JAPHET: Takot ang madalas na dahilan kung bakit hindi tayo lumiligaya.
TAO: Pakamatay ka na Japhet
Minsan wala talagang connection bigla na lang ako nakakapagsalita sa kasama ko:
JAPHET: Ok din pala minsan ang maligaw ano? Andami mo nadidiscover na bagong routes.
TAO: Ulul pakyu! Late na tayo gago!
Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin. Dati ganito ako:
TAO: Jap san masarap kumain?
JAPHET: Sa kanal
TAO: Shatap!
TAO: Natatakot kasi ako dumaan dun baka maholdap ako.
JAPHET: Wala akong pakialam sa nararamdaman mo isoli mo DVD ko.
TAO: Pakamatay ka na Japhet
Hindi ko tuloy alam ngayon kung maganda ba ang naidulot sa akin ng pagiging unemployed at pagkukulong sa haligi ng internet para kumita ng pera sa loob ng 2 taon. Whatever it is, I don’t regret it. Haha!
sausage sa bahay lang naman ang gusto mong kainin. pero. puro pero! 😅
ReplyDeletePakyu ka abrilata hahahaha! Iba-blog kita! bwahahaha
Deletebsta me kakainin at me kakain,ayos na un..haha!!
ReplyDeleteOh binasa ko to kagabi ah. Naaliw ako sa mga blog mo. Sipag mo dai..pagpatuloy mo yan,yayaman din tayo. Kapit lungs!
ReplyDeleteYAAASSS!!! MAGPAYAMAN TAYO!
DeletePanu ba magcomment dito? Haha
ReplyDeleteWAAAAAHHHHH NAGCOMMENT KA! WELCOME TO MY BLOG! buong buo talaga name mo dai ah!
DeleteAyan. Nung nakaraan kc ayaw. Hahaha!
ReplyDelete