OFFICEMATES


Kung hindi ko pa ata idadamay ang mga dati kong mga officemates sa post na ito ay I'm sure na hindi nila babasahin ang blog ko. Madami kasi sa amin ang perfectionist pagdating sa grammar at sentence construction na talaga namang hindi ko itatanggi na mahina ako. Hello sinabi ko nga once sa isang customer na "The next available technician is no longer available" eh, tapos nagi na akong isang alamat sa call center spoof, what more pa kapag binasa nila ang blog ko. Baka ipagtayo na ako ng rebulto haha! Ngayong alam niyo na kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko para isulat ito, sasabihin ko naman sa inyo ang dahilan. Nagba-browse kasi ako ng youtube sa office (which isang bagay na bawal namin gawin sa dating opisina pero nagagawan ng paraan dahil anak kami ng diyos) nang biglang lumutang ang video na ginawa ko. Well, hindi ko naman idedeny, namimiss ko na talaga sila. Compare kasi sa bago kong work place na ibang-iba naman talaga ang kultura eh wala na atang tatalo sa mga kalokohan ko sa dati kong kumpanya. 

Namimiss ko si Ditay Istariray. Ang pangalan niya talaga ay Grinadel, pero famous siya sa tawag na Grindr. Oo, yung gay dating app, hindi sa dahil mukha siyang bakla or something pero mas tumatatak kasi kapag Grindr ang tawag namin. Imagine marinig mo lang sa mga nag-uusap yung app na iyon eh siya na agad ang maaalala mo. Naka- embed na ang itsura niya sa gay app na iyon kung baga. Yung Ditay naman eh nagmula yun nung minsang uhaw na uhaw at kating-kati na talaga ako gumawa ng sarili kong pelikula. Ramdam ko kasing may itinatagong talento itong kaibigan ko sa pag-arte. Yun nga lang medyo may ka-divahan siya dahil alam niya ang anggulo niya. Haha! Kilala rin ang babaeng ito sa tawag na Grinasour, Grinabel, Nadz, at marami pang iba. Naiintindihan ko kung bakit marami siyang pangalan. Ganun talaga kapag marami ka pinagtataguan. Ginawa ko rin yan minsan, kaya love na love ko talaga ang babaeng ito. 

Si Abrylle ang isa sa mga pinaka-magandang officemate na nakilala ko. Sa sobrang ganda niya nakakairita na. Nakakagalit na bakit may mga kagaya niyang nag-eexist sa mundo. Kapag may nagtatanong sa office na WHAT IS MAGANDA, siya agad ang nakikita. Punyeta! Pero hindi ako galit sa kaniya. Love na love namin siya kahit minsan ayaw namin siya kasama sa picture dahil alam niyo na. 

Si Ate Vhanny na ata ang most improved sa aming lahat. From dating Princess Sarah na nagbabalat ng patatas eh malapit na siya maging Porn Star sa kaseksihan. Hiyang siguro siya sa mga curry at roti ng mga kumars at kupards sa Malaysia. Ilang araw na nga lang kamumuhian ko na siya gaya ni Abrylle. Haha! 

Isa sa mga hindi ko makakalimutang tao sa opisina noon ay si Tiyo Andrew na nung nakilala ko ay katatapos lang pala mag-moved on sa isang RAKI relationship. Medyo mabigat ang hinaharap niya, I mean malaki ang...mabigat ang... ah basta. Mahirap i-explain. Umalis ako sa office na masaya pa siya pero nabalitaan ko na ilang araw lang ay wala na siya. Sumakabilang bakod na. 

Si Donna ang pinaka-cool na boss (sumisip-sip parin ako kasi galante to magpakain), na nakilala ko. Marunong kasi siyang ipagtanggol yung empleyado niya lalo na kapag nasa bingit na kami ng kamatayan dahil sa mga grim reapers sa office...sa mandaluyong...shit. Siya ang nag-inspire sa akin na maging isang magaling na entrepreneur. Malupet mag-sales talk ang boss ko. Feeling ko nga siya yung nag-imbento ng question na how will you describe the color red to a blind person eh. Lahat may paliwanag siya kaya wala kang excuse. Bawal ang I can't do it sa kaniya.

Si Boss Alfo, parang roller coaster ang relationship ko sa kaniya. Bukod kasi sa malaki ang...malaki ang...... Madrama kasi itong si Boss. Madaming pinagdadaanan sa buhay kaya lumaki ang... basta love ko siya. Hawig siya ni invader zim at meron siyang mabuting pusod. I mean puso, macho pa. Macho pa. Macho pa. TYPO :)

Si Ate Jho, she only lived once. Kaka-hire pa lang sa kaniya kinasal na agad siya. Siya ang babaeng YOLO at malupit na rakitera. Iniimagine ko nga noon, sa liit niyang iyon how can she handle her.... B....TIME. TIME ang gusto ko sabihin. 

Hindi mawawala ang philosopher kong kabaro na si Nash at Kuya Alvin. Mga haligi sila sa office which I'm sure meron din sa office niyo. No hindi sila mga guards, sila ang mga Dad Bod na kung kailangan mo ng words of wisdom eh kumatok ka lang. Problemang pag-ibig ba kamo? Itawag lang yan kay Kabarong Alvin at Nash masosolusyunan nila. Ituturo nila sa iyo ang tamang landas. Ipapakita nila sayo ang liwanag. Sa kanila ako kumukuha ng lakas ng loob na harapin ang mga pagsubok sa office noon. Sila ang Ex Battalion na magsasabi sayong "Hayaan Mo Sila". Si Kuya Alvin pala at ang kaniyang wife ay may brownies business na dahilan kung bakit kami maligaya every after lunch. Alam na!

Si Ate Cams ang Metal Mouth ng Pandacan Manila, tahimik lang siya pero wag mo iismallin ang katahimikang iyon dahil mas malupet pa siya sa malupet. Naalala ko kasi yung iilang araw na lang na itatagal namin sa luma naming opisina eh napagdesisyunan niyang manahimik at humarap lang sa screen ng PC niya. Akala namin kung ano na ang nangyari sa kaniya, yun pala eh nanunuod ng Cam Copy ng Fifty Shades of Grey. Panis lahat ng dapat mapanis kay ate cams. Partida, hindi pa namin makita kung nasaan ang kaliwang kamay niya. Malupet talaga eh. Lodi ikanga nila. Hindi basta basta magagawa ng kahit sinong empleyado ang ganung klaseng act. 

Si Ate Yodge na expert sa Microsoft Excel ay hindi nalalayo kay ate cams na isang alamat. Naalala ko nang minsang sabayan ko siya paguwi at naloka ako sa kagagahan niya dahil naglalakad siya ng mga ilang kilometrong layo para magmuni-muni at kumain ng kwek-kwek. Sobrang sarap ng kwek-kwek na ipinatikim niya sa akin. I KENAT! Silang dalawa ang standard sa pagiging single mom. Si ate cams hindi naman single pero wala siyang pakialam sa mga nararamdaman naming lahat.

Paano ko ba makakalimutan ang trainer kong si Cherry? Siya yung shiboling super sweet sa panlabas na anyo pero dimunyu in the inside. I love her so much dahil dun. Hello! Minsan lang ako sa buhay ko makakatagpo ng kagaya niya. Dahil kay Cherry bumabalik ang faith ko sa mga emotional singers. Promise iba talaga ang emotions na nilalabas niya mamatay man. Cross my heart hope you die. 

Kapag usapang pagkain, hindi mawawala ang mga luto ni Ate Roche ang Hello Kitty ng Mandaluyong City. Kahit simpleng pancit canton kaya niya paglasahing carbonara espeysal! Hanggang ngayon hindi parin ako nakaka-move on sa pinatikim niya sa aking California Maki. Kung saan saan na ako nagpunta para makatikim ng ganung lasa ng Maki pero iba talaga ang lasa ng Maki ni Ate Roche. Ibang-iba. Like yeah?!

Dahil usapang pagkain ito, hindi ko rin dapat isantabi ang mga alaala ni Kuya Patdu at ang kaniyang di matatawarang ninja skills sa pagtatago ng pagkain. Minsan na kasi kaming pinagbawalan na kumain sa loob ng opisina which I think is against our human rights haha! Kaya naman itong si Kuya Patdu ay naisipang mag ala naruto. Nakakapag pasok siya ng isang jumbo hotdog mula sa mini stop,  at kung ano-anong tsitsirya na I'm sure minsang inenjoy ni Abrylle.

Hindi mawawala sa opisina ang mga pagbabansag para lang makapag judge ng kapwa tao. Ganun kasi sila kasasama. Ewan ko ba sakanila paano nila naatim mang judge ng mga pangit at may mababahong buhok at kili-kili sa office. Pag-ganiyan kasi tahimik lang ako, like yah. You know me. I'm mabait. I cry.

Si Criso na may nakakapunit na...kamay? ang pangunahing suspek ko sa pang-aasar. Iniidolo ko siya sa mga subtle attack na ginagawa niya sa mga personalities namin inside the office. Kaya niyang sabihin sayong amoy 3 taon ka ng di naliligo na hindi ka masasaktan. Ganun siya kabangis. 

Kung balak mo namang magtayo ng negosyong tapsihan, meron kaming supplier sa office. Ang pangalan niya ay Ristian. Meron siyang tapa, tocino, atbp na proudly hand made. Marami siyang business ventures dahil marami din siyang sinusuportahan. Alam namin ang mga pangangailangan niya at bilang mabuting officemate napipilitan kaming bumili.

Dahil kay Beh at Boss Alfo una kong na-experience pumasok ng gay bar kasama sila Abrylle at Ate Cams. Di ko sure kung kasama din namin si Ate Vhanny nun dahil sa mga panahong iyon birheng maria pa siya. Si Beh ang nagparealize sa akin na ang kaunting kamunduhan ay hindi masama para sa mga taong kagaya ko na may mabubuting puso. HAHA! AS IF! 

Hindi naman nangingilid ang mga luha sa mata ko habang sinusulat ko to dahil kahit saan man ako mapunta eh masaya ako na naexperience ko sila at naexperience nila ako. Ew! Marami akong magagandang alaala kasama ang mga taong ito na I'm sure uugat sa mga kwentong gagawin ko sa pagdating ng tamang panahon. Sana masaya sila kung nasaan man sila dahil kahit ano pa man ang manyari sa mundo ay hinding hindi ko sila tatantanan. Bwahahaha!

Japhet

16 comments:

  1. Linstak ka Hapito! hahaha. ung tsitsirya ni kuya Patdu walang kasing sarap. lalo na't sa singit sinisipit, maipasok lang sa station. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! sabi ko na nga ba may lihim kang pagtingin kay kuya patdu

      Delete
    2. Baka pumogi na yun si Kuya Patdu, amoy stateside na yun. pwede na cguro un 😂

      Delete
  2. Di na naulit ang gay bar escapade. hahaha! kaloka ung gabing un. buti di ako nagkakuliti sa dami ng bosong nagawa ko. yucky na masaya! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. namiss mo ang gay bar?

      Delete
    2. Di naman masyado namiss. konti lang. hahaha! unli borta. 😂

      Delete
  3. Hui guys asan na kayo? 2pts na ako 😅

    ReplyDelete
  4. pano ba mag comment dito?hoy jafet,huli ka na sa balita,porn star na q...porn star na virgin..hahaha!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahahaha! Hoy hindi ka pa porn star dahil wala ka pang entry sa Porn Hub! Hangga't walang porn hub walang label! bwahahaha!

      Delete
  5. Langya hahaha.. Nmiss kita bigla.. - drew

    ReplyDelete
  6. kinilig ako sa pagsama mo kay beh mo, japhs! Ulitin na natin ang gaybar ng madami na nman masilip si Abrylle. Haha!
    PS. Nangangain ng tanga ang pagcomment dito ah. Kinain ako 😂

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! complete name talaga Camille Costosa? magkakakuliti na buong mukha ko kung babalik pa tayo dun. hahahaha

      Delete
  7. Kinain nga kasi ako sa pagcomment dito. Haha! Mawawala naman ubg kuliti dai keribels na un. ����

    ReplyDelete
  8. Kinain nga kasi ako sa pagcomment dito. Pisti! Gurang na ako. Haha! Gagaling naman yung kuliti dai kaya keribels na. Wahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. pagbalik mo punta tayo. hahahaha! kainis 😃

      Delete

Instagram